Pibikom.

Kakaiba ang mga sandaling iyon. Kumbaga, puto bumbong tuwing pasko. Matagal ko ring hinanap-hanap. Ilang taon na nga ba?

Iba ang pakiramdam nang igapos ko ang mga braso ko paikot sa bewang mo, at nung isinubsob ko ang mukha ko sa likod mo. Hindi katulad ng ibang mga gabi sa piling ng ibang mga babae. Wala akong naramdamang pagnanasa. Wala akong naramdamang libog.  Hindi ko maipaliwanag. Hindi ko mailarawan kung ano ako nung mga oras na iyon. Hindi ko maipinta. Kung ihahalintulad siguro sa ibang mga bagay, masasabi kong napunta ako sa tabing-dagat, habang pinapanood ang paglubog ng araw. Magaan. Ligtas. Banayad.

Nanatili ako sa pagkakayakap. Inabuso ko ang kaginhawaan at nilasap ang kapayapaan ng paligid. Pinapakinggan ko lang ang boses mo habang nagsasalita ka. Nagmistula akong batang inihele ng iyong mga kwento.

Hinigpitan ko pa ang pagyakap at wala akong ibang ginusto kundi sana ay 'wag nang matapos ang gabi. Dito lang ako. Sana dito na lang ako.

Palagi.


2 comments:

  1. Ako bakit ganyan? Yung love ko walang libog kadalasan. Tatagal ba yun? haha Pero natutuwa naman ako. Masaya naman. Pero ano, ang sweet nito. Naiimagine ko 'to.

    ReplyDelete