Kung 'di ka masaya, lumipat ka sa iba.


Bukod sa pagkitil ng sariling buhay, ang paglayo siguro ang isa sa pinakamadaling paraan para tumakas. Ang tumakbo papunta sa malayo at ang mamuhay kasama ng mga bagong tao siguro ang pinakamagandang alternatibo kesa sa pagtalon at magpakaladkad sa LRT o  'yung pagchupa sa nguso ng baril.

Noong bata ako, hindi pumasok sa isip ko ang paglalayas sa tuwing napapagalitan o kapag hindi nasusunod ang mga gusto ko. Lumaki ako sa pamilyang kahit na madalas ay walang ulam eh cool naman at disente. Sila siguro ang may kasalanan kung bakit balanced ang ugali ko: kalahating mabait at kalahating ungas. Sa tingin ko'y mabuting balita yun. Nagpapasalamat ako kay Papa Jesus dahil sa kanila ako napunta.

Pero minsan, naiisip ko rin na siguro dahil rin sakanila kaya ako lumaking nakadepende sa tao. Nasanay akong may taga-abot ng tuwalya at tagahimay ng ulam naming tuyo. Masyado siguro nila akong inalalayan kaya ngayong gusto ko nang takbuhin ang sarili kong karera, medyo nahihirapan na akong ihakbang ang mga paa ko.

Masakit sa batok ang pressure.

Gusto kong may mapatunayan. Minsan nga ay naglalasing ako kahit na may pasok kinabukasan para lang patunayan kong kaya kong pumasok kahit na may hangover ako. Para lang sabihin na kaya ko ang sarili ko. Kayang-kaya ko ang sarili ko.

Samantalang hindi ko parin kayang matulog nang mag-isa sa bahay.

Ilang gabi na ring magulo ang isip ko. Magulong-magulo...


10 comments:

  1. Subukan ang buhay independent! woohoo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bale ganun na nga ang plano ko eh. Pero bago ko gawin 'yun, mag-iipon muna ko para naman hindi ako mapahiya. Hehe.

      Delete
  2. acu nlng kasama mo.. hahaha chos!!!! hulaan mo sino cu..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam kong ikaw ang manlilibre sa'kin ng chopsuey.

      Delete
  3. Maghanap kna kasi ng bahay. Mga pangarap mo. Haha.

    ReplyDelete
  4. Maghanap kna kasi ng bahay. Mga pangarap mo. Haha.

    ReplyDelete
  5. Busok na 'ko sa title. Ayaw ko nang basahin. De joke lang.
    Shit. Kung pangarap ko talaga maging independent kaso malaki na ko parang di ko pa kaya. Huhu.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 'Wag mong isiping 'di mo kaya. Isipin mong kaya mo. Kahit na cliché 'tong comment ko. HAHA!

      Delete