Best Wishes!

Sabi nga nila, mas epektib daw ang dasal kung iba ang nagdasal nito para sa'yo. Maswerte ka kung may nagdadasal para sa'yo. Pati ba naman pagdarasal eh ipauubaya mo pa sa iba? Katamaran. Pero epektibo nga raw ito sabi ng mga paring nanermon sa'kin, lately.

Sa pagkakatanda ko, madasalin ako nung bata ako. Madasalin ah hindi madulasin. Madasalin! Kwento sa'kin ng lola at ng nanay ko na sobra daw ako kung mag-signofthecross nung musmos pa ko. Sabi kasi nila malalayo ka sa kapahamakan kapag nag-signofthecross ka, alam mo na, katoliko stuffs. Tuwing lalabas ako ng bahay, sighofthecross. Bago sumakay ng pedikab,signofthecross. Bago kumain, signofthecross. Bago pumasok sa iskul, signofthecross. Bago pumasok sa banyo, signofthecross. Bago tumae, signofthecross. Bago maligo, signofthecross. Buti nga eh hindi napasma 'yung kamay ko dati sa kaka-signofthecross. Hindi ko na matandaan kung totoo nga ba na ginagawa ko 'yung mga ganung gawain nung bata ako. Kwento lang naman sa'kin 'yun ng mga mabubuti kong magulang. Malay mo naman, sinasabi lang nila 'yun para maging proud ako sa sarili ko at karirin ko na ang pagpapari.

Nung nasa elementarya ako, natatandaan ko na malakas ang pananampalataya ko, o akala ko lang 'yun?. Pero hindi na ako nagsa-signofthecross nun kasi may mga naka-engkuwentro akong mga Christians na kinuwentuhan ako ng maigi na wala daw sa bible 'yung mga ganun-ganung chorva. Kung tama ang pagkakatanda ko, 'yung araw din na 'yun ang Spiritual birthday ko kung 'yun nga ba 'yung tawag dun. Basta ang mahalaga nun eh nabusog ako sa meryenda nun. Ilang beses pang nangyari 'yun pero sa ibang Christians ko naman naranasan. Parang dumami tuloy 'yung ~*sPiRItuAL biRThDaY*~ ko.

Pagkatapos nung mga pangyayaring 'yun eh sinubukan ko kung eepekto nga ba. Nagpepray ako kapag sa tingin ko eh hindi ko na kaya 'yung exam. Pinapaubaya ko na lang sa prayers 'yung exam ko. Nagtiwala ako na tama ang mga letrang binibilugan ng ballpen ko sa testpaper. Nagulat nga ako kasi parang may sariling buhay 'yung ballpen ko. Nagsasagot siya nang mag-isa. Hindi ko hinahawakan! K. Pero buti na lang pumasa. Pasang-awa. Mula nun eh panay-panay na ang pagpepray ko na agad ko namang ipinagpapasalamat. Kung hindi naman natutupad eh iniisip ko na lang na siguro nga eh hindi pa 'yun 'yung oras o hindi talaga 'yun para sa'kin. Ang lupit ko kasing mag-isip dati. Kaya siguro madali kong natatanggap 'yung kabiguan.

Pero akala ko lang pala 'yun.

Grade 3 ako nun. Summer. Excited na kong magswimming. Kasi nagsabi na sila na magsiswimming kami, blowout daw nung pinsan ng nanay ko na may bortdey. Ayos. Inimagine ko na 'yung mga mangyayari, 'yung mga gagawin kong style ng paglangoy kahit na hindi naman ako marunong ng kahit na isa, 'yung mga buhangin na icoconvert ko sa palasyo, at 'yung mga pinsan ko na makakalaro ko kahit na hindi ko naman sila kaclose. Excited na ko sa lahat.

At dun ko biglang natuklasan 'yung sakit ko. Sakit na kapag naexcite ako at inimagine ko na ang mga mangyayari, lintek na hindi naman matutuloy. At 'yun nga ang nangyari. Hindi natuloy 'yung pinananabikan kong swimming. Dinamdam ko 'yun. Dinamdam ko nang husto. Alam kong magaan 'yung dahilan pero sa edad ko nun, mabigat na 'yun. Hanggang ngayon nga daladala ko parin 'yung ganung sakit kaya hangga't maaari eh ayaw kong naeexcite.

Dun nagsimulang humina 'yung pagkapit ko sa pananampalataya, hanggang ngayon. Hindi ko na matandaan kung kelan 'yung huli kong pasok sa simbahan. Wala na.

Pero sinusubukan ko parin kung may maitutulong nga ba 'yung pagdarasal ng iba. Tangina, ayaw kong bumagsak!

Ipagdasal mo ko?

Boboladasin kita diyan eh.

Kanina, pagkatapos kong kumain ng tanghalian, hindi ko sinasadyang mapanood ‘yung mga old school super old school pinoy movies sa Channel 11. Mahirap lang kasi kami kaya free channels lang ang kaya kong panoorin. Dun sa old school super old school pinoy movie na napanood ko eh may kaunti akong natutunan..

Boladas. Mabulaklak na salita. Pang-uuto. Paraan ng pangungumbinsi. Mabangong pananalita.

So boladas pala ‘yun. Boladas. Ngayon ko lang narinig ‘yung term na ‘yun. Ayos din palang manuod ng mga old school super old school pinoy movies eh. Bukod sa matatawa ka na sa mga pormahan nila at sa mga visual effects nila nung araw, marami ka ding matututunang old school super old school na salitang pinoy. At ‘yung mga beterano at oldies na artista ngayon, chicks pala dati! Grabe lang. Kaso ang liliit ng dibdib nila at ang puputla. Parang wala silang kulay.

Boladas.

Boladas na hindi naglaon ay nawala na ‘yung ‘das’ at naging ‘bola’ na lang. Kaya pala nagtataka ako kung paanong naging ‘bola’ ‘yung pambobola. Asan ‘yung ‘bola’ dun? Siguro kasi binibilog mo lang ‘yung babae kaya nasabing bola. Kasi bilog ang bola.

"And the Champion for the Best Critical Thinker goes to, Mart!"

Ang galling ko talagang gumawa ng konklusyon.

Boladas.

Kung boladas ang totoong term para dun, siguro ‘yung bolero ay boladasero?

Madalas. Madulas

Naranasan mo na ba 'yung maumpisahan ang araw mo ng kapalpakan? Ako madalas.

Linggo 'yun. Madaling araw. Ginising ako ng tatay ko dahil isasama niya daw ako sa Gilmore, ipapaayos niya 'yung pc ko kasi bumigay na 'yung board. Natuwa naman ako kasi matatapos na ang ilang linggo kong pagkakawalay sa inturnet. Pero medyo badtrip din ako kasi kaya lang naman ako isasama neto para gawing tagabuhat. Pero okay lang, inturnet!

4am, ginising niya ko para makaiwas sa traffic at para makauwi na din ng maaga. Kailangan talagang maaga kaming umalis dahil ang biyahe mula Cavite papuntang Gilmore ay pasakit. Tapos sabayan pa ng maraming tao na maraming pera na wala namang sariling sasakyan kaya nagko-commute lang para makapaglaboy with their loving families, naku siksikan. Kaya dapat maaga. Nung ginising niya ko eh tumayo naman ako kaagad kahit na sobrang inaantok pa. Kumain ng almusal at saka naligo.

Handa na akong umalis. Handang-handa na. Tapos bigla siyang babanat ng...

"Baka sarado 'yung mga tindahan ngayon kasi Linggo. Diyan na lang tayo sa malapit magpaayos."

Anakanangtokwangpanis oh. Gumising-gising ako ng maaga, halos patayin ko na 'yung sarili ko sa lamig kanina pagligo tapos sasabihin mo na hindi na tayo tuloy dun sa malayo?! Pero okay lang basta para sa internet. Atsaka hindi naman ako naniniwala na nakakabulag ang pagtulog nang basa ang buhok eh.

So nagising ako ng 10am. At saka kami lumarga sa pinakamalapit at pinakamahal na pagawaan. Kumain ng tanghalian at dumiretso na sa bahay. Excited na ko. Akala ko tapos na ang kabugnutan. Hindi pa pala.

Pagdating ko sa bahay binuksan ko kaagad 'yung pc ko na parang batang sabik na sabik sa bago niyang laruan. Pero mukhang pinagtitripan talaga ako ng tadhana. Kung kelan naman kailangan ko nang buksan 'yung pc ko eh saka pa naman nawalang ng kuryente. Dafak.

Nakatulog na ako sa kahihintay. 3pm, nagising ako. May ilaw na! Tsaka kuryente.

Dahil bago ang board, kailangan bago din ang hard disk- bagong format. Kailangan ko talagang i-format 'yung hard disk ko kasi sira na 'yung OS. Hindi mo na siya magagamit. Kaya binuksan ko 'yung pc, sinubo 'yung CD ng Windows XP at danaah! Ayaw gumana.

Nung tinignan ko 'yung lamang-loob ng unit ko, tangina nawawala 'yung IDE nung CD-Rom. Baka naiwan sa pagawaan. Kaya dali-dali akong nagpunta dun sa pinagpagawan namin para bawiin 'yung IDE. Habang nasa biyahe, pinag-isipan ko na ang sasabihin ko kung sakaling magdahilan 'yung mga tao dun na wala sa kanila 'yung IDE ko.

Scenario A:

Ako: Kuya, ako 'yung nagpaayos kanina ng pc, 'yung sira 'yung board. Bale naiwan ko kasi 'yung IDE ko dito. Kukunin ko sana.
Siya: Ay sir, wala po kayong naiwan na IDE dito, ikinabit ko ho 'yun bago kayo umalis. Dapat ho tinignan niyo munang mabuti.
Ako: Ahh okay. Sorry ah.

Scenario B:

Ako: Kuya, ako 'yung nagpaayos kanina ng pc, 'yung sira 'yung board. Bale naiwan ko kasi 'yung IDE ko dito. Kukunin ko sana.
Siya: Sir, bibili kayo ng IDE?
Ako: Hindi. 'Yung IDE ko naiwan ko dito.
Siya: Teka sir,titignan ko lang.
Ako: Okay.

Pagkatapos ng ilang minuto..

Siya: Ay sir, sorry ho. Wala na kaming available na IDE eh. Diyan ho sa kabila pakitignan baka meron pa sila.
Ako: Tanginang yan.

Scenario C:

Ako: Kuya, ako 'yung nagpaayos kanina ng pc, 'yung sira 'yung board. Bale naiwan ko kasi 'yung IDE ko dito. Kukunin ko sana.
Siya: Sir ano pong IDE?
Ako: 'Yung nakakabit na connector sa Rom ko kanina.
Siya: Hindi ko po magets.
Ako: Tsk. 'Diba kanina nagpaayos kami ng pc dito, naiwan ko 'yung IDE.
Siya: Ay sorry sir. Nagkamali kayo ng pinasukan. Parlor ho ito. Parlor. Mga mukha inaayos namin dito hindi kompyuter.
Ako: Joke lang. Magpapagupit talaga ako.

Hapon na nung nakabalik ako kaya nagdadalawang isip ako kung bukas pa nga ba 'yun. Pero mukhang sinuswerte parin ako kahit na papano dahil bukas pa siya. Binuksan ko 'yung pinto at agad ko namang nakita 'yung lalaking nag-assist sa'min kanina.

Ako: Kuya, ako 'yung nagpaayos kanina ng pc, 'yung sira 'yung board. Bale naiwan ko kasi 'yung IDE ko dito. Kukunin ko sana.
Siya: Sir, wala ho kayong IDE kasi S-ATA 'yung connector niyo.
Ako: 'Yung hard disk ko lang ho 'yung S-ATA pero 'yung Rom ko, IDE po 'yun.
Siya: Oo nga po. Wala talaga kayong IDE. IDE ko nga 'yung ginamit ko dun sa Rom niyo e.
Ako: Okay. Sorry ah.

Medyo nanghina ako. Mukhang tuluyan na akong inihiwalay sa internet. Nagyosi muna ako para kumalma at pinag-isipan ang susunod kong gagawin. Nagpalamig muna ako sa malapit na mall at naglakad-lakad habang naghahanap ng chix.

Bente pesos na lang ang pera ko. Nabawasan pa ng tatlong piso dahil sa yosi. Sakto, P17.00 ang pamasahe pauwi. Kapag umuwi ako sa'min, siguradong bubulyawan ako ng tatay ko kasi antangangot ko. Kailangan kong mag-isip. Mag-isip. Mag-isip. Shet ang ganda nung chick oh, ampangit naman ng boypren.

Bigla kong naisip 'yung barkada ko. Medyo malapit lang ang bahay niya dito. Pedeng hiramin ko muna sandali 'yung IDE niya para lang may maipakita ako sa tatay ko tapos ay ibabalik ko din kaagad. Pwede! Kaso Linggo ngayon. Posibleng wala siya sa kanila. Posible din namang nandun siya. Bahala na.

Compute ng budget.

P17.00 na lang ang pera ko.
P8.00 ang pamasahe papunta sa kanto nila.
P8.00 ang traysikol.

Sakto! May piso pa ko! Makakapunta ako sa kanila at pagkatapos ay sakaniya na lang ako hihiram ng pamasahe pauwi sa'min. Kaso papaano kapag wala siya dun? Paano kung nagsimba pala siya kasama ng pamilya niya? Kung naglasing pala siya sa ibang lugar kasi Linggo ngayon? O nakipagdate kaya kahit na single siya? Paano kung nagpunta pala siya sa'min?

Shet. Bahala na. Mamaya na lang ako didiskarte kung sakaling wala nga siya sa kanila. Pwede naman siguro akong manghiram dun sa guard sa subdivision nila e. 'Wag lang sana bala ng shotgun ang ipahiram nun.

Pagdating ko sa kanila, medyo kinakabahan ako kasi baka wala nga siya dun. Wala pa akong plano kung sakaling wala nga akong madatnang kaibigan dun. Pero mukhang nakiayon ang panahon sa'kin sa pagkakataong ito. Nandun siya sakanila, nakahilata, tamad na tamad sa buhay, mukhang kakagising lang. Mukhang na-rape.

Sakto.

Sinabi ko ang problema ko at ang mga pinagdaanan kong aberya habang umiinom. Ayos. May IDE na, may beer pa. Nagpaalam na ako para makauwi dahil gabi na rin at may gagawin pa ko. Pinahiram niya ko ng pamasahe at pang-bisyo.

Pagdating ko sa bahay, sira 'yung pinahiram niyang IDE.

Plan B.

Naalala ko nung balentayns eh may plano kami na maglasing. Kaming mga single sa magbabarkada. Isa lang naman ang may gelpren sa'min kaya halos lahat kami e singgol guys. Pero marami kaming crush. Hulaan mo kung anong nangyari sa plano namin? Hindi natuloy. Kasi plinano. Kadalasan hindi natutuloy 'yung mga lakad namin kapag pinaplano. Ewan ko kung bakit ganun palagi ang nangyayari. Siguro kasi sinumpa kami ng dwende dahil pinagtawanan namin sila kasi mukha silang anay. Halos lahat kasi ng mga successful naming lakad ay biglaan. On the spot lang pinag-usapan. So far masaya naman ang nagiging output.

Tropa1: Grabe ang init ngayon no?
Tropa2: Oo nga e, grabe. Tara sa Hawaii.
Tropa1: Tara. Bihis lang ako.

May isang beses nga na napasama ako sa overnight swimming nang wala sa oras. Wala akong kahit na anong dala maliban sa bayag ko tsaka 'yung mismong soot ko. 'Yung pambayad sa resort- inutang, 'yung damit na ipanglalangoy ko- hiniram, 'yung tuwalya, sabon at shampoo- hiningi, 'yung pagkin- binuraot. Hinihintay ko na nga lang kung kelan 'yung awarding ng Most Buraot Person in Cavite kasi siguradong ako na ang mag-uuwi ng trophy. Dahil dun, naging masaya at memorable 'yung swimming na 'yun.

Memorable kahit na wala akong picture.

Marami kaming plinanong gimik pero puro inuman lang 'yung natuloy. Binalak naming magswimming out of town, umakyat ng bundok, magnature tripping, magpaligaw sa gubat, kumain ng buhay na bato at manghuli ng dinosaur. Pero walang natupad lahat dun, kasi nga plinano.

Pero kahit ganun, mag-family planning ka parin. Ayaw mo naman sigurong pakainin ng suwelas 'yang mga magiging anak mo.

Let's do it?

Kapag pangit ang kinalabasan, pede ka naman daw magsimula ulit. Akala ba nila madaling magsimula ulit? Nakakatamad. Sa hinaba-haba na ng nilakad mo, babalik ka lang pala sa simula. Pero ang maganda lang dun, alam mo na ang mga dapat at 'di dapat na gawin, mga tama at maling diskarte at kung saan nga ba mas magandang dumaan. Pre, sa pagkakamali ka nga raw matututo e.

Pero anu't-ano pa man, mahirap paring isipin na pagkatapos ng lahat eh sa pag-ulit ka lang pala babagsak.

Katulad ng isa kong subject ngayon. Tanginang subject 'yan, ang kati. Sa lahat ng subject ko ngayong sem, ito 'yung pinakamakirot. Tumataginting na palakol ang grades ko nung prelim at midterms. Hindi ko alam kung bakit ba ganun ang mga marka ko samantalang lagi naman akong pumapasok at lagi naman akong ngumingiti sa klase. Siguro nga kulang 'yung pagpapacute. Balak kong kausapin 'yung propesora/propesor ko dun bago dumating ang finals kundi, kakatayin ako ng buhay sa bahay. Minsan nga sumagi sa isip ko na ano kaya kung ialay ko na lang ang sarili ko sakanya? Gwapo naman ako. Malaki nga lang ang tiyan. Imagine-nin mo na lang 'yung mga bulateng mahilig sa kape sa MIB. Mahirap pa dito, hindi ko maalis sa utak ko 'yung posibilidad na bumagsak ako at hindi makagraduate dahil sa isang subject na 'yun. Tuwing umaabot sa batok ang ngiti ko dahil sa nginitian ako ng crush ko, bigla namang papasok sa utak ko na pipti-pipti ang grades ko. Tuwing magsasaya kami ng barkada ko dahil mga lasing na, bigla naman akong mag-eemo dahil naghihingalo ang pukinginang grades ko.

Nabali ko nga 'yung apat na ribs nung huling tao na nagsabing okay lang daw kung bumagsak man ako, puwede naman daw akong umulit anytime. Nagsorry naman ako.

At kagaya nito. Sinubukan kong magbukas ng bagong blog at magsimula ulit. Kahit na sa tingin ko eh gasgas na ang killer typing skillz ko at bulok na ang mga ideya ko sa utak. Nitong mga nakaraang araw kasi eh napapalaban ako lagi sa inuman kaya siguro nabobobo na ako. Ayan Mart, kaya ka bumabagsak eh, puro ka inom! Pero mas masarap mag-aral kapag lasing ka ah. Tapos susukahan mo 'yung libro mo.

So ayun. Pwede naman nating subukan ulit e. Malay mo gumana na ngayon.