Shit

Ano kaya ang nararamdaman ng mga artista kapag may eksena sila kung saan kailangang ilagay ang mga letrato nila sa ibabaw ng kabaong?

Madalas ko 'tong maisip kapag hindi ako makatulog sa gabi, which is lagi. Iniisip ko kung ano nga bang mangyayari kung sakaling hindi na ako magising kinabukasan. Paano kaya malalaman ng mga kaibigan ko na dedbul na nga ko? Eh ng mga internet friends ko? Will they even give a fucking fuck kung malaman nga nila o sasabihan lang nila ko ng No1Currs pagkatapos ay ipagpapatuloy ang kung anumang shits na ginagawa nila sa mga precious life nila. Matutuwa siguro ako kung magiging kaluluwa ako't makikita ko ang lahat ng mahal ko sa buhay na magkakasama sa isang pagtitipon. Nagpupusoy, nagkakape, pumapapak ng kornik at kendi, naggigitara, at kumakanta habang humihigop ng maligamgam na sopas na walang sahog. Korni siguro kapag may umiyak. Mumultuhin ko pureber kung sino man 'yung iyakin na 'yun. Ang magandang part dun ay 'yung magsasabihan na ng mga awezomeneszs ko nung nabubuhay pa ko.

Ay, 'yang si Mart, astig 'yan! Habulin ng babae 'yan e.
Nung nabubuhay 'yan si Mart, ang laki ng titi niyan e.
Bilib ako diyan kay Mart, ang lakas manlibre.
Kumakain ng buhay na pancit 'yan si Mart.

'Yung mga ganun shits ba. Kasi kadalasan namang napupuri at nabibigyan ng medal ang isang tao kung kelan tapos na siyang embalsamuhin. SOP na siguro 'yung ganung shits.

Nung isang gabi habang umiinom kami ng beer eh biglang naikwento ng kaibigan ko na namatay na 'yung paborito niyang barbero sa edad na 35 dahil daw sa colon cancer. Nung nagpacheck up daw 'yun eh nasa Stage 4 na daw. Wala naman daw kasing sintomas na may shit na pala siya sa colon. Lahat naman ng tao may shit sa colon e. Hahaha. At hindi daw regular ang pagtae nun. Contractual palang yata. 'Yun na nga siguro 'yung sintomas nun. Atsaka may dugo daw 'yung tae.

Hindi ako araw-araw tumatae. Tangina ang hirap kayang piliting ilabas 'yung tae sa pwet mo. Hindi mo naman pwedeng pakiusapan 'yun. Atsaka ayaw kong namimilit talaga hindi lang ng tao pati na din ng tae. At madalas ding may dugo ang shit ko.

Kaya napa-"shit" talaga ko nung kinutuban ako.

Pag-uwing pag-uwi ko eh ginamit ko kaagad 'yung kapangyarihan ng Google para malaman kung ano ang kadalasang sintomas ng colon cancer na 'yan.

At nalaman kong kaya pala dumudugo 'yung pwet ko minsan ay dahil may almoranas ako.

Shit.

Pagbabalat ng Mangga

Nagising ako sa lakas ng busina ng papalapit na truck ng basura. Nang bumalik sa katinuan ang isip ko'y nakita ko ang sarili ko na nakatayo sa gitna ng kalsada. Inulan ako ng mura galing sa mabahong bunganga ng driver ng umaalingasaw na truck. Kung gusto ko raw magpakamatay, 'wag na raw akong mandamay. Hindi ko siya pinakingga't naglakad na ako patawid sa kabilang kalsada.

Nakakapagtaka. Hindi ko mahalungkat sa memorya ko kung ano nga ba ang dahilan ng ating pagtatalo. Balibaligtarin ko man ang utak ko'y hindi ko talaga mawari ang dahilan ng pagsisigawan at pagbabatuhan natin ng masasakit at malulutong na mura. Sinampal mo ko sa pisngi. Sinuntok ko ang pader. At sabay na nalunod ang ating mga mata sa maaalat na luha.

Pumara ako ng bus. Umupo ako sa likuran. Tumitig ako sa kalsada't binuksan ang sarili kong mundo.

Maya-maya pa'y nagtatalsikan na sa mukha ko ang laway ng kundoktor. Inulan nanaman ako ng putangina. Kanina pa daw niya ko kinakausap. Kanina pa daw niya ako tinatanong. Kanina pa daw niya ako sinisingil. Inabot ko ng tahimik ang bayad ko't hindi na hiningi pa ang sukli. Wala na akong lakas para makipagtalo. Naubos na ang boses ko para makipagputanginahan. Pinunit ko ang inabot niyang ticket at saka isinuksok sa singit-singit ng kinauupuan.

Biglang naipit ang sinasakyan kong bus sa makapal na trapik. Nagsisigawan ang mga tao. Nagkakagulo. May kung anong shit ang nagaganap sa unahan. Wala na akong pakealam kung ano man ang nangyayari. May sarili akong problema at gusto ko munang takbuhan ito ngayon. Unti-unti nang umuusad ang bus at nananatili paring lugmok ang pakiramdam ko. Mabigat. Madilim. Masukal. Mahapdi.

Pagkalampas ng namin sa nagkumpulang tao'y naaninag ko ang dahilan ng kaguluhan at ingay. Isang binata ang nakahandusay sa gitna ng kalye, duguan. Nabundol daw ng truck ng basura.

At nakita ko ang sarili kong nakahilata sa pisngi ng bangketa.