tag:blogger.com,1999:blog-61212497459375428132024-03-14T13:14:56.748+08:00Where everything is a bluff.Kunwari may sinasabi ako dito pero wala talaga. Para lang may masabing decscription.Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.comBlogger25125tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-47760935590476409342013-06-25T19:35:00.002+08:002013-06-25T19:35:27.680+08:00Ugh.Hinimas-himas ko lang, para hindi lumambot itong blog na ito ok.Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-76074348403911335092013-02-11T11:18:00.000+08:002013-02-11T11:18:03.846+08:00Shall.Halos apat na buwan na rin pala mula nung huli akong naglagay ng entry dito. Medyo hindi ko rin napanindigan 'yung sinabi kong dapat mas madalas kong i-update ang blog na ito kesa sa dalas ng pagsisipilyo. Pero wala, ganun talaga. Wala akong isang salita.

Umpisahan natin ang entry na 'to sa pamamagitan ng pagtatanong sa aking sarili. Kamusta na ba ako?

Marami-rami rin ang nangyari sa akin simula noong Oktubre noong nakaraang taon. Nandiyan 'yung umalis ako sa'min nang walang paalam. Sino ba naman kasi ang tangang magpapaalam muna bago lumayas? Alam kong medyo matanda na ako para sa term na 'layas' kaya mas maganda sigurong gamitin ang salitang 'nagsarili'. Hindi 'yung nagjakol na nagsarili ah! Pero 'yun nga, nagsarili na ako. Nandiyan rin 'yung tumira at nakikain ako sa mga kaibigan hanggang sa makahanap ako ng bagong trabaho at bagong matitirhan. Dumalas rin ang pagpanik panaog ko sa mga bundok at masasabi kong ang hiking ang isa sa mga gusto kong gawin bago man lang ako magkasakit ng matindi at mamatay dahil sa bisyo. Nagkaron rin ako ng mga bagong kaibigan at mas madalas ko na ring nakakasama ang ilan sa mga luma.

Tatanungin ko ulit ang sarili ko. Masaya ba ako?

Oo, masaya naman ako kahit na medyo mahirap. Madalas akong kinakapos sa pera dahil sa pang-araw na araw na gastos na sinisingitan mo pa ng pamumundok, talagang gutom ang abot. Pero masaya naman.

Katulad ng nakagawian, putulin ulit natin ang blog entry na ito sa walang kakwenta-kwentang paraan. Hehe.

Kayo, kamusta kayo?

Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com3tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-19059124068839731242012-10-09T17:18:00.000+08:002012-10-09T17:26:39.509+08:00Kinonsidera ko na na hindi ito isa sa mga araw na maaalala mo. Hindi ka man lang lumingon at dirediretso ka nang pumasok sa loob. Pinanood kitang lumakad at pumasok sa kumpol ng mga tao. At nung tumalikod na ko para umuwi, bigla mo akong tinawag...

Uuwi ka ba sa Pampanga ngayon?

Oo eh.

Ahh, Sabado nga pala ngayon. Saan ka sasakay niyan papuntang Pampanga?

Mag-e-MRT ako eh. Sa may Buendia. Tapos pagdating ng Cubao, bus.

Sasakay ka papuntang Buendia station?

Oo, magbu-bus ako.

Maglakad na lang tayo!

Ayoko nga. Ang layu-layo eh.

Akin na, ako na magbibitbit niyang mga gamit mo para hindi ka mahirapan.

Hindi, okay lang ako.

Tara, maglakad na lang tayo. Para naman may kasama akong maglakad. Tsaka para may makausap ako.

Sasakay ako.

Tara na. Sus. Minsan lang 'to oh.

Sige na nga! Saan ba tayo dadaan?

Dito tayo, sa may Enterprise. Para malamig.

Eh saan ang labas niyan?

Sa Landmark na.

Oh, nasa Landmark na tayo. Tapos?

Lulusot tayo ng Glorietta, tapos SM. Tapos MRT na.

Eh saan ka ba sasakay?

Sa Ayala. Magbubus ako.

Akala ko pa naman mag-e-MRT ka! SUS!

Haha! Hindi ah. Magbubus lang ako.

Kaya nga ko pumayag maglakad kasi akala ko mag-e-MRT ka.

'Wag kang mag-alala, ihahatid kita hanggang MRT.

'Wag na.

Ito ang pangit kapag kalbo eh. Kapag medyo humaba na. Mukha akong pugo eh.
Nagulat nga ako nung nagpakalbo ka eh.
Bakit?
Hindi lang ako sanay.

Ang layu-layo naman! Anong oras na oh.

Malapit na. Dahan-dahan lang kasi tayo para hindi ka kaagad mapagod.

Mabilis ba ko maglakad?

Oo.

Eh anong oras na kasi eh. Hindi ko mapapanood 'yung UAAP!

Sa YouTube mo na lang panoorin.

Nakakainis! Hindi na talaga ko sasama sa'yo.

Hahaha!

Teka lang, bibili ako ng pasalubong.

Ano ba yan!! Anong oras na oh. Gustong-gusto ko nang umuwi.

Relax ka lang diyan. Saglit lang 'to.

Wala bang McDo sa inyo?

Wala.

Kalokohan.

Upo ka muna dun oh. Saglit lang 'to.

*iaabot ang sundae*

Ano 'to?

Bayad ko. Kasi pinaglakad kita ng malayo.

Duh.

Ayan ah. Bayad na ko.

Hindi pa.

Ayan na nga 'yung bayad ko oh. Kinakain mo.

Hindi pa no. Nakakainis ka. Hindi na talaga ko sasama sa'yo.

Tignan lang natin.

Hindi naman ako mahilig dito eh. Oh, ubusin mo na.

Hawakan mo muna. May hawak pa ko eh.

Nakasakay ka na ba dito sa Ayala station?

Oo. Bakit?

Naligaw kasi ako dito dati eh. Nalito ako. Iisa lang pala ang bilihan ng ticket ng pa-North at South bound.

Lagot ka. Ang haba ng pila. Mukhang matagal mo pa kong makakasama ah.

Duh. May card ako no.

Swerte. Edi diretso ka na sa loob.

Osiya. Babye! Ingat pag-uwi.

Babye.

Marty!

Oh?

Babye! Salamat diyan sa sundae ah.

Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-61095479470371997292012-09-24T12:35:00.000+08:002012-09-24T12:35:20.927+08:00Parang 'di naman.

Habang unti-unti akong tinatablan ng alkohol, unti-unti ka ring pumapasok sa isip ko. Hindi naman ako uminom dahil nalulungkot ako sa mga nangyayari. Gusto ko lang naman sanang magpahangin sa labas at magyosi, kaso natiyempuhan ko namang umiinom ang barkada kaya napa-inom na rin ako.

Sinunud-sunod ko rin ang paghithit. Medyo namiss ko kasi ito dahil matagal-tagal rin akong hindi nakatikim. Maya-maya pa'y dahan-dahan na ring gumagaan ang pakiramdam ko. Natatawa na rin ako kahit sa mga walang kakwenta-kwentang biro.

At biglang nakita nanaman kita.

Nakatulala lang ako habang kanya-kanyang nagpapabida ang mga kainuman ko. Titig na titig lang ako, pero wala naman akong tinitingnan. Naglalaro ang ilang mga bagay sa isip ko at karamihan dito ay malayo sa katotohanan. Meron rin namang mga posibleng bagay, pero wala akong lakas ng loob na maisakatuparan.

Ilang inuman na nga ba ang napuntahan ko na ikaw ang iniiisip ko habang nilulunok ko ang laman ng baso?

Ito 'yung mga sitwasyon na pinakaayaw ko. 'Yung mga sitwasyong wala akong nagagawa kundi tumingin at manood na lang. Madalas akong agresibo at malinis kung gumalaw, pero ngayon, sa ikalawang pagkakataon ay nablangko ang utak ko at nasunog ang lahat ng sinulat kong plano. Hindi naman na bago sa'kin ang ganitong eksena. Ganito rin kasi ang kalagayan ko noong una akong makaramdam ng pag-ibig.

Paulit-ulit kong sinasariwa ang gabing iyon. 'Yung una at posibleng huling beses kitang mayayakap sa pagtulog. Hindi ko maiwasang mangiti tuwing inaalala ko.

Pero mas naging maganda siguro kung niyakap mo rin ako.

Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com8tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-25861465119076776472012-09-22T08:40:00.001+08:002012-09-22T11:19:19.496+08:00Pibikom.Kakaiba ang mga sandaling iyon. Kumbaga, puto bumbong tuwing pasko. Matagal ko ring hinanap-hanap. Ilang taon na nga ba?

Iba ang pakiramdam nang igapos ko ang mga braso ko paikot sa bewang mo, at nung isinubsob ko ang mukha ko sa likod mo. Hindi katulad ng ibang mga gabi sa piling ng ibang mga babae. Wala akong naramdamang pagnanasa. Wala akong naramdamang libog. Hindi ko maipaliwanag. Hindi ko mailarawan kung ano ako nung mga oras na iyon. Hindi ko maipinta. Kung ihahalintulad siguro sa ibang mga bagay, masasabi kong napunta ako sa tabing-dagat, habang pinapanood ang paglubog ng araw. Magaan. Ligtas. Banayad.

Nanatili ako sa pagkakayakap. Inabuso ko ang kaginhawaan at nilasap ang kapayapaan ng paligid. Pinapakinggan ko lang ang boses mo habang nagsasalita ka. Nagmistula akong batang inihele ng iyong mga kwento.

Hinigpitan ko pa ang pagyakap at wala akong ibang ginusto kundi sana ay 'wag nang matapos ang gabi. Dito lang ako. Sana dito na lang ako.

Palagi.

Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-18906680686736844962012-09-19T10:26:00.000+08:002012-09-19T10:29:46.371+08:00Kung 'di ka masaya, lumipat ka sa iba.

Bukod sa pagkitil ng sariling buhay, ang paglayo siguro ang isa sa pinakamadaling paraan para tumakas. Ang tumakbo papunta sa malayo at ang mamuhay kasama ng mga bagong tao siguro ang pinakamagandang alternatibo kesa sa pagtalon at magpakaladkad sa LRT o 'yung pagchupa sa nguso ng baril.

Noong bata ako, hindi pumasok sa isip ko ang paglalayas sa tuwing napapagalitan o kapag hindi nasusunod ang mga gusto ko. Lumaki ako sa pamilyang kahit na madalas ay walang ulam eh cool naman at disente. Sila siguro ang may kasalanan kung bakit balanced ang ugali ko: kalahating mabait at kalahating ungas. Sa tingin ko'y mabuting balita yun. Nagpapasalamat ako kay Papa Jesus dahil sa kanila ako napunta.

Pero minsan, naiisip ko rin na siguro dahil rin sakanila kaya ako lumaking nakadepende sa tao. Nasanay akong may taga-abot ng tuwalya at tagahimay ng ulam naming tuyo. Masyado siguro nila akong inalalayan kaya ngayong gusto ko nang takbuhin ang sarili kong karera, medyo nahihirapan na akong ihakbang ang mga paa ko.

Masakit sa batok ang pressure.

Gusto kong may mapatunayan. Minsan nga ay naglalasing ako kahit na may pasok kinabukasan para lang patunayan kong kaya kong pumasok kahit na may hangover ako. Para lang sabihin na kaya ko ang sarili ko. Kayang-kaya ko ang sarili ko.

Samantalang hindi ko parin kayang matulog nang mag-isa sa bahay.

Ilang gabi na ring magulo ang isip ko. Magulong-magulo...

Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com10tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-90717570821957613742012-09-11T12:12:00.002+08:002012-09-11T12:12:39.008+08:00Camel.

Nabalitaan kong iginagapang na raw ang pagpapatong ng karagdagang buwis sa sigarilyo. Sa dami ng nagyoyosi sa Pinas, marahil marami rin ang magrereklamo. Bukod sa abot kayang halaga, ito rin ang kadalasang stress reliever natin at inip reliever na rin. Kalusugan naman daw ng mga pinoy ang pinoprotektahan nila kaya nila papatungan ng karagdagang buwis ang mga yosi lalo na 'yung mga mumurahing sigarilyo dahil ang karamihan raw sa mga nagyoyosi ay mga mahihirap. Hindi ko alam ang statistik niyan kasi wala naman talaga akong pake at ilang beses kong kinuha ang economics noong college at ilang beses rin akong bumagsak. Kunsabagay, ako man eh naranasan ko nang magutom nang husto at yosi lang ang ipinantawid ko noon sa gutom. Hindi ko naman sinasabing kalimutan niyo na ang pagkain at gawing alternatibo ang sigarilyo. Duh!

Ako man eh aminadong mahirap huminto sa ganyang bisyo. At sa tingin ko, hindi porket daragdagan ang presyo ng yosi ay bigla na lang hihinto sa paghithit ang mga sunog-bagang 'yan. Hindi ganun 'yun. Kung gusto talaga nilang isipin ang kalusugan ng mga adik, siguro ay trabaho at pagkakakitaan dapat ang ipamudmod nila, para naman may pangpa-ospital ang mga gago kapag bumigay na ang kanya-kanya nilang mga baga. Hindi naman titigil ang mga 'yan kaya ang siste, madadagdagan lang ang kita ng mga negosyante.

Pwede rin namang gawin nating balance ang lifestyle natin, kung totoong ang kalusugan nga ang iniisip nila. Pwede silang magconduct ng seminar shits patungkol sa kung paano mo mapapanatiling malakas ang baga mo kahit na regular kang naninigarilyo. 'Yung tipong isang kaha kada limang minuto ang nauubos mo. Pwede mo naman kasi sigurong palakasin ang baga mo habang unti-unti mo itong sinisira. Hindi ko lang alam kung epektibo 'yang shit na 'yan ah. Gawa-gawa ko lang 'yan haha.

Tanghali na pala. Makapagyosi nga muna.

Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-21718045958025527982012-09-10T17:16:00.004+08:002012-09-11T08:21:40.225+08:00Girls, oh, just wanna have fun.

Ginanahan akong pumasok simula nung unti-unti ko nang nakakausap 'yung crush ko rito sa opisina. Dumadalas ang pagkukwentuhan namin sa Y!M kahit na oras ng trabaho at kahit pa marami siyang hinahabol na deadline. Nagkakabatian na rin kami kapag nagkakasalubong kami sa hallway o sa banyo. Umabot na nga sa puntong iniiwasan na naming magkasalubong ang mga landas namin dahil unti-unti na kaming nachichismis. Buntis daw ako. Charot.

Isang beses, nagkasundo kaming lumabas. Friendly date lang. Wala akong pera nung mga panahong 'yun kaya ako na ang nag-insist na magda-download na lang ako ng sangkatutak na horror movies at manood na lang kami maghapon dun sa tinitirhan niya. Paborito niya kasi ang mga creepy movies at pabor rin naman ako run para kung sakaling matakot o magulat siya sa pinapanood namin, bigla niya akong yayakapin. Tapos sexy time na.

Pinagpatuloy lang namin 'yung kung anong shit na ginagawa namin sa araw-araw. Kamustahan, bahagian ng kung anu-anong shit patungkol sa buhay, kultura, problema, mga paboritong pagkain, pelikula, libro, at pati kulay ng underwear. Naikukwento niya rin kung sino sa mga kaopisina namin ang kinaiinisan niya to the point na gusto na niyang ipitin sa elevator kapag nagkaron ng pagkakataon. Sa madaling sabi, dahan-dahan niyang binubuklat ang libro niya sa'kin. Pero ako, hindi ganun. Naging maingat ako.

Napapansin kong unti-unti na siyang nagiging clingy. Nagagalit kapag may iba akong kachat, o kapag mabagal akong magreply. Kung sinu-sino nanaman daw ang kausap kong chix kaya mabagal akong magreply. Gusto ko sana siyang sagutin ng "Pasensya ka na ah. Ganyan talaga kapag gwapo eh." kaso lang, hindi ako gwapo kaya hindi na lang ako sumasagot. Basta, masyado siyang clingy. Kung umasta siya eh parang siya ang may-ari ng etits ko.

Inenjoy ko lang 'yung company niya.

Hanggang sa isang araw, bigla siyang nagchat. Masaya raw siya nung araw na 'yun. Tinanong ko kung bakit pero medyo matagal siya bago sumagot. Siguro kasi medyo busy siya dahil sa mga deadline that day. Pagkatapos ng ilang minuto ay sumagot rin siya. Masaya raw siya dahil nagkabalikan na sila ng jowa niya.

Hindi ko alam kung bakit pagkatapos ng araw na 'yun eh bigla na lang kaming hindi nagpansinan.

Mabuti na lang, hindi ako kumagat.Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com4tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-16897232685755540872012-09-07T16:12:00.002+08:002012-09-07T16:13:42.479+08:00Yo, sup.Medyo napapatambay ako sa ilang malulupit na blogs dito sa blagesperyeo nitong mga nakaraang araw kaya siguro medyo ginaganahan ulit akong ipagpatuloy 'tong walang kwenta kong blog (napansin kong karamihan sa magagaling na blogger eh basura ang tingin sa mga blog nila ['di ko sinasabing magaling ako ah]). Pero mukhang mahihirapan akong magkwento dahil wala namang kabuhay-buhay ang haybu ko ngayon. Pagkagising ko, diretso sa trabaho at pagkatapos kong kumayod, diretso sa bahay. Maliban na lang siguro kung Sabado kasi siguradong sa mga beerhouse ako didiretso. Dun sa may mga sumasayaw na hipon at kuhol.

Kaya simula ngayon aking blog, imementena na kita. Apir.

Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com3tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-31572305123806165092012-08-31T10:23:00.002+08:002012-08-31T10:28:50.745+08:00Sing a long.Nagyosi muna ako sa ilalim ng MRT Ayala Station para magmuni-muni. Masyado pang mainit kaya nakakatamad pang umuwi. Hindi lang ako ang nagyoyosi sa madilim na lugar na iyon, kundi isang pulutong ng mga taong nagpapahirap sa kanya-kanya nilang baga. Ang iba'y may mga kasamang kasintahan at mga kaibigan. May iba namang kagaya ko na nag-iisa lang. Nakasandal lang ako sa isang tahimik na sulok habang ibinubuga ang usok pababa. Pagkatapos hithitin ang huling nikutin ay agad rin akong umahon para maghintay ng bus.

Iba talaga kapag natiya-tiyambahan ka ng swerte. Hindi na ako naghintay ng matagal dahil nakakita agad ako ng bus na diretso sa Kabite. Hindi na ako mahihirapang bumaba pa sa may Taft para maghintay nanaman ng masasakyan. Pagpasok ay napansin ko kaagad ang bilang ng mga bakanteng upuan. Okupado na ang lahat ng nasa bandang bintana. Sayang, 'yun pa naman ang paborito kong pwesto. Naghahanap na ako ng pinakamaganda at pinakakomportableng mapupwestuhan nang mapansin kong may nag-iisa pa palang bakante sa tabi ng bintana. Sabi ko nga kanina, iba talaga kapag natiyempuhan ka ng swerte. May makakatabi pa kong magandang babae.

Napansin kong ayaw niya sa may bintana. Hindi ko lang maisip kung bakit. Tumayo ako sa harapan niya at sumenyas para makadaan at makaupo na. "Excuse me, miss." Ngumiti lang siya at umusog nang kaunti, saktong-sakto lang para makadaan ako. Pagkaupong-pagkaupo ko ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagkain.

Napansin kong parang walang lumalabas na lamig sa aircon kaya inayos ko ang mga ito. Habang tinitimpla ang anggulo at ang lakas ng ibubuga nitong hangin, napansin kong nakatingin sa kinakalikot kong aircon itong katabi kong babae.

"Ayaw mo ba ng aircon?", malumanay kong tanong.

"Hindi naman. Okay lang.", matipid niya namang tugon.

Saktong-sakto ang ginaw at komportableng-komportable ang pagkakaupo ko. Dinukot ko ang cellphone ko sa bag at saka isinaksak sa mga tenga ang earphone. Sinuot ko ang baon kong jacket at pumuwesto na para sana matulog nang muli ay mapansin ko itong katabi ko na tila hindi mapakali. Palinga-linga at para bang may gustong sabihin. Tinanggal ko ang earphone sa kaliwang tenga ko at iniabot ko sa kanya.

"Ano 'to?" makikita mo sa kanyang magandang mukha ang pagtataka.

"Sounds muna tayo para hindi ka mainip." kaagapay ng matipid kong ngiti. "Kaso radyo lang 'to."

Tinanggap niya. Ngumiti lang siya.

Sumandal akong muli sa bintana, nakaharap sa labas, at pinapanood ang mga rumaragasang bus at mga pribadong sasakyan. Sinusubukan kong umisip ng mga paksang magandang buksan para sa mga ganitong tagpo. Mga kwentong hindi nakakailang pag-usapan sa kagaya namin na parehong estranghero.

"Ano nga pala 'yung kinakain mo kanina, ngayon lang kasi ako nakakita nun eh." muli kong baling.

"Ahh ito? Shing-aling." habang iniaabot sa akin ang supot. "Gusto mo?"

"Bakit hindi mo inubos? Ayaw mo na?

"Masyadong maalat eh."

Nag-uumpisa nang umandar ang gulong ng aming usapan. Unti-unti nang gumagana nang malaya ang aming mga utak para sa mga tanong at kwento na maaari naming paghatian, kaagapay ng aming malumanay na bibig na siyang nagsisiwalat ng aming mga saloobin at mga opinyon sa mga bagay-bagay. Bumibilis ang oras ngunit hindi ito kapansin-pansin. Ilang beses ko rin siyang napangiti at napatawa at ganun rin naman siya sa akin.

"Donny." habang iniaabot ko ang aking kanang palad.

"Kanina pa tayo nagkukwentuhan, hindi pa pala natin alam ang mga pangalan natin. Marj." nakangiti siyang nakipagkamay.

"So, bakit mag-isa ka lang?"

"Ngayon? Ahh. Wala kasi 'yung boyfriend ko. May trabaho pa ng hanggang 7pm. Kaya nauna na ako."

Hindi ko na natandaan ang mga sumunod na nangyari, maliban sa letratong naiwan sa aking isipan. Letrato niya, habang naglalakad palayo sa ilalim ng ulan.

Hinintay ko siyang lumingon, pero umandar na ang bus na sinasakyan ko.

Tapos nagjakol ako pag-uwi.Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-27246193654936038252012-08-28T17:20:00.002+08:002012-08-28T17:20:56.915+08:00Ipilit natin.Nitong nakaraan lang eh napagkwentuhan namin ng mga bago kong vhezzzy ang tungkol sa mga dream wedding namin. Hindi naman talaga namin siya "napagkwentuhan". Napag-usapan lang namin nung minsang naglaro kami nung larong hindi baduy.

Wala pa sa isip ko ang pag-aasawa. Sarili ko nga eh hindi ko mapakain ng maayos, mag-aanak pa ba ko ng sampu? Siyam na lang siguro, pwede pa. Pero ang pagkakaroon siguro ng pamilya ang ultimate pangarap ko with flying colors. Hindi ko alam kung bakit, pero maiintindihan niyo naman siguro dahil katulad ko, gusto niyo rin namang magkaroon ng sarili niyong pamilya. 'Yun bang mumurahin mo sa umaga dahil wala kayong almusal. Biro lang.

'Di rin naman ako mahilig sa bata. Sa katunayan nga eh buwisit na buwisit ako sa mga kabataan lalo na 'yung ubod ng kukulit. 'Yun bang kulit na hindi na kyut. May mga kulit kasing nakakatuwa. Katulad nung kulit ng naglalambing. 'Yung babatuhin ka ng bola sa mukha pagkatapos ay hahagalpak siya sa katatawa. Bola ng bowling pre. Hindi kyut 'yung pre. Hindi kyut. Pero kung 'yung isang 'bata' ang pag-uusapan...naku.

Ang pagpapamilya ay karaniwang nag-uumpisa sa kasal. Pero sa panahon ngayon, may apo ka na eh hindi pa kayo kasal ng iniirog mo. Sabi nga run sa isang old school na kasabihan, "Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo mo, at mauubo ka kapag nabulunan ka kasi matakaw ka." Pagpapatahi pa lang ng mga costume na gagamitin niyo sa kasal, makati na sa bulsa. 'Yung pambili pa ng mga prutas, paputok, kare-kare, buko juice, condom, at alak, naku, matinding gastos. 'Yung bus pa na gagamitin nung babae papunta sa simbahan. O 'di ba? Kailangan ng matinding preperasyon 'yan. Kaya totoo nga 'yung lumang kasabihan na, "Ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na isusubo mo, tapos magtatae ka kasi panis na 'yung kinain mong kare-kare."

Pero kung nagkataong medyo nakaluluwag naman ako sa buhay at kaya ko namang tustusan ang kahit anong trip kong kasal, gagawin ko. Meron akong ilang magaganda at bagong ideya para sa kasal. Masyado na kasing gasgas at baduy 'yung mga beach wedding, at garden wedding. Kung natupad ko lang sana 'yung pangarap kong maging astronaut, siguradong ako ang kauna-unahang magpapa-Mars wedding. Kaso hindi naman ako naging astronaut kaya sayang. Dahil nasa IT field naman ako, swak na siguro 'yung computer shop wedding. Medyo creepy siguro 'yung kasal nung mga embalsamador, ano?

Gusto ko sanang ikwento dito 'yung matinding ideya ni Mary Jane eh, 'yung mall wedding? Kaso baduy eh.

Kayo? Anong dream wedding niyo? 'Yung hindi baduy ah. *kindat*

Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-28688838883584725552012-06-13T15:34:00.001+08:002012-06-13T15:34:21.937+08:00SwabeKahit na medyo pangit ang pwesto kung saan ako nagyoyosi, medyo naging swabe naman ang jam dahil sa mahinang ulan na sinasabayan ng I Just Don't Wanna Be Lonely ni Ronnie Dyson na agad namang sinundan ng Soldier of Fortune ng Deep Purple. Madilim ang mga ulap, pero kung nagkataong may mukha ang langit, sigurado akong hindi ito nakasimangot. Pero hindi rin naman nakangiti. Nangangalahati palang ang sigarilyo'y naramdaman ko na ang pagkatok ng mga masasamang loob sa puwetan ko kaya naman pinatay ko na ang yosi't dali-daling nagpunta sa banyo.

Habang nakaupo at nagbabawas ng dumi mula sa bituka ay nakarinig ako ng mahinang iyak ng tuta. At maya-maya pa'y pumasok sa banyo itong pusa namin at saka tumuntong sa balde. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay alam ko na kung ano ang gusto niyang sabihin. Kinuha ko ang tabo't sumalok ng maraming tubig at pagkuwa'y inilagay ko sa tabi niya. Agad rin naman siyang lumabas pagkatapos niyang uminom.

Hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala ang isang dating kaibigan. Nakatambay siya noon sa labas, kumakain habang nakikipagkuwentuhan. Paulit-ulit niyang sinasabing medyo matagal raw siyang mawawala dahil may kailangan raw siyang puntahan. Paulit-ulit. Kinabukasan, nang ako'y umuwi galing sa eskuwela, nagulat na lang ako nang makita kong nakahiga siya, sa loob ng ataol, na para bang mahimbing lang na natutulog habang ang kanyang nanay ay nakaupo't tulala lang sa isang sulok.

Pagkatapos kong magbawas ay agad akong umupo at nagbukas ng computer. Napansin kong online ang ilan sa mga kaibigan ko ngunit hindi ko sila binati o kinamusta. Pinagpatuloy ko ang pagpapaganda at pagpapabango sa resume ko para makapag-umpisa nang makapaghanap ng hanapbuhay. Hindi parin nawawala sa isip ko ang posibilidad na baka sa mga susunod na linggo ay maging isa na akong ganap na guro.

Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-37845657814055800822012-06-13T02:08:00.004+08:002012-06-13T02:08:56.903+08:00Siguro.

Hindi ko sinasadyang makitang muli ang mga larawan. Hindi na ako nanibago sa hugis at sukat ng ngiti, ang anggulo ng mukha, ang tikwas at indayog ng buhok na nakunan ng letrato, at ang mga matang mapupungay na akala mo'y palaging inaantok. Hindi ko pinigilan ang sarili sa pagtingin-tingin.

Patuloy lang ang pagtitig ko sa mukha niya. Hindi ko na namalayan kung nakailang larawan na ba ako. Bigla akong napahinto ng umabot ako sa larawan kung saan magkatabi kaming nakaupo sa parke, sa ilalim ng puno ng bubot na niyog. Pinikit ko ang ang aking mga mata. Pinilit kong alalahanin ang damdamin. Hinukay ko sa aking pagod na isipan ang mga detalye kung ano nga ba ang pakiramdam ng maupo sa tabi niya, habang hawak ang malalambot at maliliit na palad at ang ulong bahagyang nakasandal sa aking mga balikat. Sinubukan kong tandaan kung dalisay nga ba ang pag-ibig na dumaloy sa ating koneksyon, sa ating mga ugat, at sa ating mga puso. Pinilit kong alalahanin. Pinilit ko.

Pero wala akong maalala.

Dumilat ako't iniwan ang lamesa ng nakangiti at payapa.
Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-21340459993397905422012-06-09T14:30:00.001+08:002012-06-10T15:15:47.434+08:00May I go out?Galing ako noon sa pagdiriwang ng ika-dalawampu't isang kaarawan ng isang kaibigan. Syempre hindi mawawala ang inuman doon kaya nang dahil sa hangober, halos tatlong araw akong tumira sa kanila. Syempre hindi lang dahil sa hangober 'yun, dahil rin siguro sa katamaran.

Pag-uwi ko, nakasabay ko sa jeep ang isang dating kaklase. Nagtuturo siya ngayon sa isang kolehiyo. Nagkamustahan at nagkatanungan kung nagbayad na ba ng pamasahe ang isa't-isa. Hindi na ako nagulat nang tanungin niya kung saan ako nagtatrabaho ngayon...

"Sa bahay parin.", matipid kung tugon.

Naikwento niya na nangangailangan raw sila ngayon ng karagdagang tao. Kailangan raw nila ng karagdagang magtuturo ng Basic Web Design. Kung gusto ko raw, bakit hindi ko subukan. Ngumiti lang ako at hindi sumagot.

Isa sa mga ayaw kong trabaho ay 'yung kinakailangang humarap at makipag-usap sa tao. Hindi ako komportable. Kaya nga ayaw kong mag-call center dahil ayokong nakikipag-usap sa mga tao, magturo pa kaya?! Ni sa hinagap ay hindi ko nakita ang sarili kong nakapustura, nakatayo, at nagsasalita sa harap ng maraming estudyante.

Pero simula ng matanggap ko ang imbitasyong iyon, hindi ko maiwasang iguhit sa aking isipan kung ano ang magiging eksena kung sakaling makapasa at makapasok nga ako bilang tagapagturo. Mauutal kaya ako? Mangingisi? Seseryosohin kaya ako ng mga magiging estudyante ko, o babatuhin lang ako ng mga ginusot na papel? Pakikinggan kaya nila ako? May maganda at sexy kaya akong magiging estudyante? Ang mga ganyang tanong ang bumabagabag sa'kin bago ako matulog.

"Sige, magpapasa ako ng resume. Susubukan ko.", sagot ko sakanya kaagapay ng isang matipid na ngiti.

Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-61312941934443003782012-06-04T18:22:00.001+08:002012-06-10T01:14:22.380+08:00PangakoSa isang pitik lang ng mga mahahaba niyang daliri ay lumabas ang isang lalaking lubos niyang kawangis. Sa ilong, sa mata, sa hugis at talas ng panga, at sa nipis at haba ng buhok, walang pinagkaiba. Maliban na lamang siguro sa isa: wala itong buhay. Inihiga niya ito sa malamig na sahig ng banyo at saka pinaikutan ng kung anu-anong gamot. Lumabas siya ng kwarto at muli, ipinitik ang kanyang mga daliri at mabilis na naglaho.

Isang simpleng pag-alala ang naganap kinagabihan. Walang masyadong maririnig bukod sa tunog ng tubig-ulang humahampas sa makalawang na yero at ang tahol ng mga agresibong aso. Sa bukana ng mumunting tahanan ay nakalagak ang yayat at putlang labi ng binatilyo, nakapikit na tila himbing na himbing sa puti at manipis na kahong gawa sa mumurahing kahoy.

Dahan-dahan siyang lumapit sa bangkay, ipinatong ang mga siko sa salamin at saka umusal ng mga panalanging walang sinuman ang nakaka-intindi. Taimtim. Tahimik. Pagkatapos ay tumayo siya ng matuwid, tumalikod at napansing walang sinumang naroon sa kanyang huling burol.

Pagmulat ng kanyang mga mata'y nasa tuktok na siya ng isang mataas na bundok. Masyadong manipis ang hangin. Malusog na kumpol ng usok ang kumakawala sa kanyang bibig sa tuwing siya'y magbubuntong hininga. Tumayo siya sa bingit ng talampas. Itinaas ang kamay. Mataas na mataas. Mataas na mataas. Itinaas niya ang kamay, pati na rin ang kanyang nanlalamig na noo. Nakataas lang ang kanyang mga kamay. Nilasap niya ang nipis ng hangin, ang mga natitirang gunita, at ang mga mantsa ng luha sa pisnging dali-daling natuyo.

Maya-maya pa'y nagkakalat na ang dugo.

Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-90361972353002889032011-09-29T01:56:00.001+08:002011-09-29T01:56:47.603+08:00Post, No bill.

Dumarating talaga sa buhay ng asong katulad ko ang mga oras na bigla-bigla na lang tayong makararamdam ng lungkot, ng bigat sa dibdib, at sa balikat. Hindi ko malaman kung ano nga ba ang dahilan ng pag-iinarte kong ganito. Bigla na lang akong mawawalan ng gana sa mga bagay na kanina'y halos kantutin ko na sa sobrang tuwa. Bigla na lang nabubura ang atensyon ko sa lahat-lahat at biglaang mapapatingin na lang ako sa kawalan, na para bang hinahanap ko ang kasagutan sa mga tuyong dahon ng mangga.

Bigla kong maiisip na sa ganitong mga pagkakataon tumatamis ang yosi.

Unti-unting papasok sa papakitid kong isipan ang mga mumunting pagkukulang ko, na habang tumatagal ay dahan-dahan ding lumalaki. Kulang ako sa pera. Kulang ako sa damit. Kulang ako sa laman. Kulang ako sa talino. Kulang ako sa talento. Kulang ako sa kaibigan. Kulang ako sa pagmamahal.

Siguro nga'y masyado lang akong naghahanap. Masyado akong naghahangad at umaasa na ganito ang kalalabasan ng ganyan, at ganun ang kalalabasan ng ganito. Kaya siguro naging matalik na kaibigan ko ang pagkadismaya.

At bigla akong mapapayuko.

Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-81141889644710035732011-09-27T02:03:00.000+08:002011-09-27T02:03:31.442+08:00Meh.Mahirap talagang sumakay sa bus na tayuan, puta, lalo na kapag inaantok ka.

Eh dahil nga umuulan kanina kaya napilitan na rin akong sumampa dun sa dumaang bus na biyaheng Indang, Trece. Ayoko namang magpabasa dun na parang aktibistang binumbero at pagsilip ko naman mula sa bintana eh mukhang may mauupuan pa kaya nakumbinsi ko ang sarili kong sumakay na.

Tayuan pala ang drama dito. Sabi nung kundoktor makakaupo pa raw. Puta, makakaapak, pwede pa. Pero ayos na 'to, sabi ko sa sarili ko. Mawawala ang antok ko kapag nakatayo. Bukod sa matinding paghawak ko sa mga upuan para 'wag tumalsik kapag biglang pumreno 'yung bus, hindi din ako kumportable sa suot kong sapatos. Basang-basa na kasi ang paa ko. May dala pa kong payong. Puta, hassle.

Maya-maya pa'y parang nahi-hypnotize na ko. Unti-unting bumabagsak 'yung mata ko. At muntik na ring humampas ang mukha ko sa mga sandalan ng upuan. Tsk, kinailangang kong higpitan ang kapit at sampal-sampalin ang sarili ko para magising.

At muntik nanaman akong humampas sa sahig.

Iretableng-iretable na ako dahil bukod sa nararamdaman kong antok at ngalay sa pagtayo eh nakikisabay pa 'tong trapik. Halos trenta minutos nakatengga tapos wala pang isang minuto 'yung pag-usad. Nakakagago pa 'yung libreng panuorin sa bus, pota, nakakaantok.

Wala naman, dito lang naman iikot 'tong kwento na 'to, kung paano ko nilampasan ang hirap na hatid ng pagtiis sa antok mo para lang 'wag kang mauntog sa kung saan-saang kanto, at kung gaano ako natuwa nung nagkaron ng bakanteng upuan at nakatulog na ko sa wakas.

Lumampas ako sa babaan.

Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-22263400041682114572011-07-10T23:54:00.001+08:002011-07-11T00:27:42.588+08:00ShitAno kaya ang nararamdaman ng mga artista kapag may eksena sila kung saan kailangang ilagay ang mga letrato nila sa ibabaw ng kabaong?

Madalas ko 'tong maisip kapag hindi ako makatulog sa gabi, which is lagi. Iniisip ko kung ano nga bang mangyayari kung sakaling hindi na ako magising kinabukasan. Paano kaya malalaman ng mga kaibigan ko na dedbul na nga ko? Eh ng mga internet friends ko? Will they even give a fucking fuck kung malaman nga nila o sasabihan lang nila ko ng No1Currs pagkatapos ay ipagpapatuloy ang kung anumang shits na ginagawa nila sa mga precious life nila. Matutuwa siguro ako kung magiging kaluluwa ako't makikita ko ang lahat ng mahal ko sa buhay na magkakasama sa isang pagtitipon. Nagpupusoy, nagkakape, pumapapak ng kornik at kendi, naggigitara, at kumakanta habang humihigop ng maligamgam na sopas na walang sahog. Korni siguro kapag may umiyak. Mumultuhin ko pureber kung sino man 'yung iyakin na 'yun. Ang magandang part dun ay 'yung magsasabihan na ng mga awezomeneszs ko nung nabubuhay pa ko.

Ay, 'yang si Mart, astig 'yan! Habulin ng babae 'yan e.

Nung nabubuhay 'yan si Mart, ang laki ng titi niyan e.

Bilib ako diyan kay Mart, ang lakas manlibre.

Kumakain ng buhay na pancit 'yan si Mart.

'Yung mga ganun shits ba. Kasi kadalasan namang napupuri at nabibigyan ng medal ang isang tao kung kelan tapos na siyang embalsamuhin. SOP na siguro 'yung ganung shits.

Nung isang gabi habang umiinom kami ng beer eh biglang naikwento ng kaibigan ko na namatay na 'yung paborito niyang barbero sa edad na 35 dahil daw sa colon cancer. Nung nagpacheck up daw 'yun eh nasa Stage 4 na daw. Wala naman daw kasing sintomas na may shit na pala siya sa colon. Lahat naman ng tao may shit sa colon e. Hahaha. At hindi daw regular ang pagtae nun. Contractual palang yata. 'Yun na nga siguro 'yung sintomas nun. Atsaka may dugo daw 'yung tae.

Hindi ako araw-araw tumatae. Tangina ang hirap kayang piliting ilabas 'yung tae sa pwet mo. Hindi mo naman pwedeng pakiusapan 'yun. Atsaka ayaw kong namimilit talaga hindi lang ng tao pati na din ng tae. At madalas ding may dugo ang shit ko.

Kaya napa-"shit" talaga ko nung kinutuban ako.

Pag-uwing pag-uwi ko eh ginamit ko kaagad 'yung kapangyarihan ng Google para malaman kung ano ang kadalasang sintomas ng colon cancer na 'yan.

At nalaman kong kaya pala dumudugo 'yung pwet ko minsan ay dahil may almoranas ako.

Shit.
Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-75167455996619751912011-07-02T20:14:00.000+08:002011-07-02T20:46:50.990+08:00Pagbabalat ng ManggaNagising ako sa lakas ng busina ng papalapit na truck ng basura. Nang bumalik sa katinuan ang isip ko'y nakita ko ang sarili ko na nakatayo sa gitna ng kalsada. Inulan ako ng mura galing sa mabahong bunganga ng driver ng umaalingasaw na truck. Kung gusto ko raw magpakamatay, 'wag na raw akong mandamay. Hindi ko siya pinakingga't naglakad na ako patawid sa kabilang kalsada.

Nakakapagtaka. Hindi ko mahalungkat sa memorya ko kung ano nga ba ang dahilan ng ating pagtatalo. Balibaligtarin ko man ang utak ko'y hindi ko talaga mawari ang dahilan ng pagsisigawan at pagbabatuhan natin ng masasakit at malulutong na mura. Sinampal mo ko sa pisngi. Sinuntok ko ang pader. At sabay na nalunod ang ating mga mata sa maaalat na luha.

Pumara ako ng bus. Umupo ako sa likuran. Tumitig ako sa kalsada't binuksan ang sarili kong mundo.

Maya-maya pa'y nagtatalsikan na sa mukha ko ang laway ng kundoktor. Inulan nanaman ako ng putangina. Kanina pa daw niya ko kinakausap. Kanina pa daw niya ako tinatanong. Kanina pa daw niya ako sinisingil. Inabot ko ng tahimik ang bayad ko't hindi na hiningi pa ang sukli. Wala na akong lakas para makipagtalo. Naubos na ang boses ko para makipagputanginahan. Pinunit ko ang inabot niyang ticket at saka isinuksok sa singit-singit ng kinauupuan.

Biglang naipit ang sinasakyan kong bus sa makapal na trapik. Nagsisigawan ang mga tao. Nagkakagulo. May kung anong shit ang nagaganap sa unahan. Wala na akong pakealam kung ano man ang nangyayari. May sarili akong problema at gusto ko munang takbuhan ito ngayon. Unti-unti nang umuusad ang bus at nananatili paring lugmok ang pakiramdam ko. Mabigat. Madilim. Masukal. Mahapdi.

Pagkalampas ng namin sa nagkumpulang tao'y naaninag ko ang dahilan ng kaguluhan at ingay. Isang binata ang nakahandusay sa gitna ng kalye, duguan. Nabundol daw ng truck ng basura.

At nakita ko ang sarili kong nakahilata sa pisngi ng bangketa.
Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com3tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-27007194394829432372011-06-28T23:07:00.000+08:002011-06-28T23:35:06.747+08:00Bikini mong itim

Halos isang oras na akong nakatitig sa blangkong pahinang ito. Walang laman. Wala akong mailaman. Pero marami akong gustong isukang ideya, emosyon at mga pagkakataong gusto ko lang sumambulat papunta sa blankong digital na papel na 'to na parang sukang bumulwak mula sa bunganga ng isang lasing. Lasing sa matatabang na pakiramdam na kailanma'y hindi nagkaron ng pagkakataong haluan ng kahit kaunting asukal para man lamang sana tumamis.

Nakakasuya nang sumubok ng sumubok at pumalya ng pumalya. Parang isang computer program na dinisenyo para lang lumagapak sa putikan at muling iahon pataas para lang muling ihampas sa lupang basang basa ng pinaghalu-halong pawis, dugo, luha at libag.

Nakakasuka.

Wala akong ibang ginagawa kundi magpabango at magpaganda. Para akong iskultor na nagpupumilit ukitin ang sarili kong anyo para lang pumabor sa panlasa ng mga bobo at mga mangmang na gutom sa kagandahan.

Nangangalahati pa lang ang sigarilyo'y pinapatay ko na para makapagsindi ng panibago. Maski itong nikotin ay walang naitutulong sa nararamdaman kong umay at pagod sa paikot-ikot na nangyayari.

Inalog ko ang tangan kong panindi at saka iniitsa sa kalsadang nagliliyab sa init ng katanghalian.
Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-18407737148789427762011-02-21T15:37:00.000+08:002011-06-22T12:37:52.831+08:00Best Wishes!

Sabi nga nila, mas epektib daw ang dasal kung iba ang nagdasal nito para sa'yo. Maswerte ka kung may nagdadasal para sa'yo. Pati ba naman pagdarasal eh ipauubaya mo pa sa iba? Katamaran. Pero epektibo nga raw ito sabi ng mga paring nanermon sa'kin, lately.

Sa pagkakatanda ko, madasalin ako nung bata ako. Madasalin ah hindi madulasin. Madasalin! Kwento sa'kin ng lola at ng nanay ko na sobra daw ako kung mag-signofthecross nung musmos pa ko. Sabi kasi nila malalayo ka sa kapahamakan kapag nag-signofthecross ka, alam mo na, katoliko stuffs. Tuwing lalabas ako ng bahay, sighofthecross. Bago sumakay ng pedikab,signofthecross. Bago kumain, signofthecross. Bago pumasok sa iskul, signofthecross. Bago pumasok sa banyo, signofthecross. Bago tumae, signofthecross. Bago maligo, signofthecross. Buti nga eh hindi napasma 'yung kamay ko dati sa kaka-signofthecross. Hindi ko na matandaan kung totoo nga ba na ginagawa ko 'yung mga ganung gawain nung bata ako. Kwento lang naman sa'kin 'yun ng mga mabubuti kong magulang. Malay mo naman, sinasabi lang nila 'yun para maging proud ako sa sarili ko at karirin ko na ang pagpapari.

Nung nasa elementarya ako, natatandaan ko na malakas ang pananampalataya ko, o akala ko lang 'yun?. Pero hindi na ako nagsa-signofthecross nun kasi may mga naka-engkuwentro akong mga Christians na kinuwentuhan ako ng maigi na wala daw sa bible 'yung mga ganun-ganung chorva. Kung tama ang pagkakatanda ko, 'yung araw din na 'yun ang Spiritual birthday ko kung 'yun nga ba 'yung tawag dun. Basta ang mahalaga nun eh nabusog ako sa meryenda nun. Ilang beses pang nangyari 'yun pero sa ibang Christians ko naman naranasan. Parang dumami tuloy 'yung ~*sPiRItuAL biRThDaY*~ ko.

Pagkatapos nung mga pangyayaring 'yun eh sinubukan ko kung eepekto nga ba. Nagpepray ako kapag sa tingin ko eh hindi ko na kaya 'yung exam. Pinapaubaya ko na lang sa prayers 'yung exam ko. Nagtiwala ako na tama ang mga letrang binibilugan ng ballpen ko sa testpaper. Nagulat nga ako kasi parang may sariling buhay 'yung ballpen ko. Nagsasagot siya nang mag-isa. Hindi ko hinahawakan! K. Pero buti na lang pumasa. Pasang-awa. Mula nun eh panay-panay na ang pagpepray ko na agad ko namang ipinagpapasalamat. Kung hindi naman natutupad eh iniisip ko na lang na siguro nga eh hindi pa 'yun 'yung oras o hindi talaga 'yun para sa'kin. Ang lupit ko kasing mag-isip dati. Kaya siguro madali kong natatanggap 'yung kabiguan.

Pero akala ko lang pala 'yun.

Grade 3 ako nun. Summer. Excited na kong magswimming. Kasi nagsabi na sila na magsiswimming kami, blowout daw nung pinsan ng nanay ko na may bortdey. Ayos. Inimagine ko na 'yung mga mangyayari, 'yung mga gagawin kong style ng paglangoy kahit na hindi naman ako marunong ng kahit na isa, 'yung mga buhangin na icoconvert ko sa palasyo, at 'yung mga pinsan ko na makakalaro ko kahit na hindi ko naman sila kaclose. Excited na ko sa lahat.

At dun ko biglang natuklasan 'yung sakit ko. Sakit na kapag naexcite ako at inimagine ko na ang mga mangyayari, lintek na hindi naman matutuloy. At 'yun nga ang nangyari. Hindi natuloy 'yung pinananabikan kong swimming. Dinamdam ko 'yun. Dinamdam ko nang husto. Alam kong magaan 'yung dahilan pero sa edad ko nun, mabigat na 'yun. Hanggang ngayon nga daladala ko parin 'yung ganung sakit kaya hangga't maaari eh ayaw kong naeexcite.

Dun nagsimulang humina 'yung pagkapit ko sa pananampalataya, hanggang ngayon. Hindi ko na matandaan kung kelan 'yung huli kong pasok sa simbahan. Wala na.

Pero sinusubukan ko parin kung may maitutulong nga ba 'yung pagdarasal ng iba. Tangina, ayaw kong bumagsak!

Ipagdasal mo ko?

Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-48228880963677031282011-02-20T15:52:00.001+08:002011-06-22T12:38:13.013+08:00Boboladasin kita diyan eh.

Kanina, pagkatapos kong kumain ng tanghalian, hindi ko sinasadyang mapanood ‘yung mga old school super old school pinoy movies sa Channel 11. Mahirap lang kasi kami kaya free channels lang ang kaya kong panoorin. Dun sa old school super old school pinoy movie na napanood ko eh may kaunti akong natutunan..

Boladas. Mabulaklak na salita. Pang-uuto. Paraan ng pangungumbinsi. Mabangong pananalita.

So boladas pala ‘yun. Boladas. Ngayon ko lang narinig ‘yung term na ‘yun. Ayos din palang manuod ng mga old school super old school pinoy movies eh. Bukod sa matatawa ka na sa mga pormahan nila at sa mga visual effects nila nung araw, marami ka ding matututunang old school super old school na salitang pinoy. At ‘yung mga beterano at oldies na artista ngayon, chicks pala dati! Grabe lang. Kaso ang liliit ng dibdib nila at ang puputla. Parang wala silang kulay.

Boladas.

Boladas na hindi naglaon ay nawala na ‘yung ‘das’ at naging ‘bola’ na lang. Kaya pala nagtataka ako kung paanong naging ‘bola’ ‘yung pambobola. Asan ‘yung ‘bola’ dun? Siguro kasi binibilog mo lang ‘yung babae kaya nasabing bola. Kasi bilog ang bola.

"And the Champion for the Best Critical Thinker goes to, Mart!"

Ang galling ko talagang gumawa ng konklusyon.

Boladas.

Kung boladas ang totoong term para dun, siguro ‘yung bolero ay boladasero?

Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-85394883948688584582011-02-20T11:55:00.000+08:002011-06-23T15:52:52.182+08:00Madalas. Madulas
Naranasan mo na ba 'yung maumpisahan ang araw mo ng kapalpakan? Ako madalas.

Linggo 'yun. Madaling araw. Ginising ako ng tatay ko dahil isasama niya daw ako sa Gilmore, ipapaayos niya 'yung pc ko kasi bumigay na 'yung board. Natuwa naman ako kasi matatapos na ang ilang linggo kong pagkakawalay sa inturnet. Pero medyo badtrip din ako kasi kaya lang naman ako isasama neto para gawing tagabuhat. Pero okay lang, inturnet!

4am, ginising niya ko para makaiwas sa traffic at para makauwi na din ng maaga. Kailangan talagang maaga kaming umalis dahil ang biyahe mula Cavite papuntang Gilmore ay pasakit. Tapos sabayan pa ng maraming tao na maraming pera na wala namang sariling sasakyan kaya nagko-commute lang para makapaglaboy with their loving families, naku siksikan. Kaya dapat maaga. Nung ginising niya ko eh tumayo naman ako kaagad kahit na sobrang inaantok pa. Kumain ng almusal at saka naligo.

Handa na akong umalis. Handang-handa na. Tapos bigla siyang babanat ng...

"Baka sarado 'yung mga tindahan ngayon kasi Linggo. Diyan na lang tayo sa malapit magpaayos."

Anakanangtokwangpanis oh. Gumising-gising ako ng maaga, halos patayin ko na 'yung sarili ko sa lamig kanina pagligo tapos sasabihin mo na hindi na tayo tuloy dun sa malayo?! Pero okay lang basta para sa internet. Atsaka hindi naman ako naniniwala na nakakabulag ang pagtulog nang basa ang buhok eh.

So nagising ako ng 10am. At saka kami lumarga sa pinakamalapit at pinakamahal na pagawaan. Kumain ng tanghalian at dumiretso na sa bahay. Excited na ko. Akala ko tapos na ang kabugnutan. Hindi pa pala.

Pagdating ko sa bahay binuksan ko kaagad 'yung pc ko na parang batang sabik na sabik sa bago niyang laruan. Pero mukhang pinagtitripan talaga ako ng tadhana. Kung kelan naman kailangan ko nang buksan 'yung pc ko eh saka pa naman nawalang ng kuryente. Dafak.

Nakatulog na ako sa kahihintay. 3pm, nagising ako. May ilaw na! Tsaka kuryente.

Dahil bago ang board, kailangan bago din ang hard disk- bagong format. Kailangan ko talagang i-format 'yung hard disk ko kasi sira na 'yung OS. Hindi mo na siya magagamit. Kaya binuksan ko 'yung pc, sinubo 'yung CD ng Windows XP at danaah! Ayaw gumana.

Nung tinignan ko 'yung lamang-loob ng unit ko, tangina nawawala 'yung IDE nung CD-Rom. Baka naiwan sa pagawaan. Kaya dali-dali akong nagpunta dun sa pinagpagawan namin para bawiin 'yung IDE. Habang nasa biyahe, pinag-isipan ko na ang sasabihin ko kung sakaling magdahilan 'yung mga tao dun na wala sa kanila 'yung IDE ko.

Scenario A:

Ako: Kuya, ako 'yung nagpaayos kanina ng pc, 'yung sira 'yung board. Bale naiwan ko kasi 'yung IDE ko dito. Kukunin ko sana.

Siya: Ay sir, wala po kayong naiwan na IDE dito, ikinabit ko ho 'yun bago kayo umalis. Dapat ho tinignan niyo munang mabuti.

Ako: Ahh okay. Sorry ah.

Scenario B:

Ako: Kuya, ako 'yung nagpaayos kanina ng pc, 'yung sira 'yung board. Bale naiwan ko kasi 'yung IDE ko dito. Kukunin ko sana.

Siya: Sir, bibili kayo ng IDE?

Ako: Hindi. 'Yung IDE ko naiwan ko dito.

Siya: Teka sir,titignan ko lang.

Ako: Okay.

Pagkatapos ng ilang minuto..

Siya: Ay sir, sorry ho. Wala na kaming available na IDE eh. Diyan ho sa kabila pakitignan baka meron pa sila.

Ako: Tanginang yan.

Scenario C:

Ako: Kuya, ako 'yung nagpaayos kanina ng pc, 'yung sira 'yung board. Bale naiwan ko kasi 'yung IDE ko dito. Kukunin ko sana.

Siya: Sir ano pong IDE?

Ako: 'Yung nakakabit na connector sa Rom ko kanina.

Siya: Hindi ko po magets.

Ako: Tsk. 'Diba kanina nagpaayos kami ng pc dito, naiwan ko 'yung IDE.

Siya: Ay sorry sir. Nagkamali kayo ng pinasukan. Parlor ho ito. Parlor. Mga mukha inaayos namin dito hindi kompyuter.

Ako: Joke lang. Magpapagupit talaga ako.

Hapon na nung nakabalik ako kaya nagdadalawang isip ako kung bukas pa nga ba 'yun. Pero mukhang sinuswerte parin ako kahit na papano dahil bukas pa siya. Binuksan ko 'yung pinto at agad ko namang nakita 'yung lalaking nag-assist sa'min kanina.

Ako: Kuya, ako 'yung nagpaayos kanina ng pc, 'yung sira 'yung board. Bale naiwan ko kasi 'yung IDE ko dito. Kukunin ko sana.

Siya: Sir, wala ho kayong IDE kasi S-ATA 'yung connector niyo.

Ako: 'Yung hard disk ko lang ho 'yung S-ATA pero 'yung Rom ko, IDE po 'yun.

Siya: Oo nga po. Wala talaga kayong IDE. IDE ko nga 'yung ginamit ko dun sa Rom niyo e.

Ako: Okay. Sorry ah.

Medyo nanghina ako. Mukhang tuluyan na akong inihiwalay sa internet. Nagyosi muna ako para kumalma at pinag-isipan ang susunod kong gagawin. Nagpalamig muna ako sa malapit na mall at naglakad-lakad habang naghahanap ng chix.

Bente pesos na lang ang pera ko. Nabawasan pa ng tatlong piso dahil sa yosi. Sakto, P17.00 ang pamasahe pauwi. Kapag umuwi ako sa'min, siguradong bubulyawan ako ng tatay ko kasi antangangot ko. Kailangan kong mag-isip. Mag-isip. Mag-isip. Shet ang ganda nung chick oh, ampangit naman ng boypren.

Bigla kong naisip 'yung barkada ko. Medyo malapit lang ang bahay niya dito. Pedeng hiramin ko muna sandali 'yung IDE niya para lang may maipakita ako sa tatay ko tapos ay ibabalik ko din kaagad. Pwede! Kaso Linggo ngayon. Posibleng wala siya sa kanila. Posible din namang nandun siya. Bahala na.

Compute ng budget.

P17.00 na lang ang pera ko.

P8.00 ang pamasahe papunta sa kanto nila.

P8.00 ang traysikol.

Sakto! May piso pa ko! Makakapunta ako sa kanila at pagkatapos ay sakaniya na lang ako hihiram ng pamasahe pauwi sa'min. Kaso papaano kapag wala siya dun? Paano kung nagsimba pala siya kasama ng pamilya niya? Kung naglasing pala siya sa ibang lugar kasi Linggo ngayon? O nakipagdate kaya kahit na single siya? Paano kung nagpunta pala siya sa'min?

Shet. Bahala na. Mamaya na lang ako didiskarte kung sakaling wala nga siya sa kanila. Pwede naman siguro akong manghiram dun sa guard sa subdivision nila e. 'Wag lang sana bala ng shotgun ang ipahiram nun.

Pagdating ko sa kanila, medyo kinakabahan ako kasi baka wala nga siya dun. Wala pa akong plano kung sakaling wala nga akong madatnang kaibigan dun. Pero mukhang nakiayon ang panahon sa'kin sa pagkakataong ito. Nandun siya sakanila, nakahilata, tamad na tamad sa buhay, mukhang kakagising lang. Mukhang na-rape.

Sakto.

Sinabi ko ang problema ko at ang mga pinagdaanan kong aberya habang umiinom. Ayos. May IDE na, may beer pa. Nagpaalam na ako para makauwi dahil gabi na rin at may gagawin pa ko. Pinahiram niya ko ng pamasahe at pang-bisyo.

Pagdating ko sa bahay, sira 'yung pinahiram niyang IDE.

Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-37016806159492802582011-02-20T00:29:00.000+08:002011-06-22T12:39:52.960+08:00Plan B.
Naalala ko nung balentayns eh may plano kami na maglasing. Kaming mga single sa magbabarkada. Isa lang naman ang may gelpren sa'min kaya halos lahat kami e singgol guys. Pero marami kaming crush. Hulaan mo kung anong nangyari sa plano namin? Hindi natuloy. Kasi plinano. Kadalasan hindi natutuloy 'yung mga lakad namin kapag pinaplano. Ewan ko kung bakit ganun palagi ang nangyayari. Siguro kasi sinumpa kami ng dwende dahil pinagtawanan namin sila kasi mukha silang anay. Halos lahat kasi ng mga successful naming lakad ay biglaan. On the spot lang pinag-usapan. So far masaya naman ang nagiging output.

Tropa1: Grabe ang init ngayon no?

Tropa2: Oo nga e, grabe. Tara sa Hawaii.

Tropa1: Tara. Bihis lang ako.

May isang beses nga na napasama ako sa overnight swimming nang wala sa oras. Wala akong kahit na anong dala maliban sa bayag ko tsaka 'yung mismong soot ko. 'Yung pambayad sa resort- inutang, 'yung damit na ipanglalangoy ko- hiniram, 'yung tuwalya, sabon at shampoo- hiningi, 'yung pagkin- binuraot. Hinihintay ko na nga lang kung kelan 'yung awarding ng Most Buraot Person in Cavite kasi siguradong ako na ang mag-uuwi ng trophy. Dahil dun, naging masaya at memorable 'yung swimming na 'yun.

Memorable kahit na wala akong picture.

Marami kaming plinanong gimik pero puro inuman lang 'yung natuloy. Binalak naming magswimming out of town, umakyat ng bundok, magnature tripping, magpaligaw sa gubat, kumain ng buhay na bato at manghuli ng dinosaur. Pero walang natupad lahat dun, kasi nga plinano.

Pero kahit ganun, mag-family planning ka parin. Ayaw mo naman sigurong pakainin ng suwelas 'yang mga magiging anak mo.

Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6121249745937542813.post-51310624076185181122011-02-19T20:43:00.000+08:002011-06-22T12:40:01.378+08:00Let's do it?
Kapag pangit ang kinalabasan, pede ka naman daw magsimula ulit. Akala ba nila madaling magsimula ulit? Nakakatamad. Sa hinaba-haba na ng nilakad mo, babalik ka lang pala sa simula. Pero ang maganda lang dun, alam mo na ang mga dapat at 'di dapat na gawin, mga tama at maling diskarte at kung saan nga ba mas magandang dumaan. Pre, sa pagkakamali ka nga raw matututo e.

Pero anu't-ano pa man, mahirap paring isipin na pagkatapos ng lahat eh sa pag-ulit ka lang pala babagsak.

Katulad ng isa kong subject ngayon. Tanginang subject 'yan, ang kati. Sa lahat ng subject ko ngayong sem, ito 'yung pinakamakirot. Tumataginting na palakol ang grades ko nung prelim at midterms. Hindi ko alam kung bakit ba ganun ang mga marka ko samantalang lagi naman akong pumapasok at lagi naman akong ngumingiti sa klase. Siguro nga kulang 'yung pagpapacute. Balak kong kausapin 'yung propesora/propesor ko dun bago dumating ang finals kundi, kakatayin ako ng buhay sa bahay. Minsan nga sumagi sa isip ko na ano kaya kung ialay ko na lang ang sarili ko sakanya? Gwapo naman ako. Malaki nga lang ang tiyan. Imagine-nin mo na lang 'yung mga bulateng mahilig sa kape sa MIB. Mahirap pa dito, hindi ko maalis sa utak ko 'yung posibilidad na bumagsak ako at hindi makagraduate dahil sa isang subject na 'yun. Tuwing umaabot sa batok ang ngiti ko dahil sa nginitian ako ng crush ko, bigla namang papasok sa utak ko na pipti-pipti ang grades ko. Tuwing magsasaya kami ng barkada ko dahil mga lasing na, bigla naman akong mag-eemo dahil naghihingalo ang pukinginang grades ko.

Nabali ko nga 'yung apat na ribs nung huling tao na nagsabing okay lang daw kung bumagsak man ako, puwede naman daw akong umulit anytime. Nagsorry naman ako.

At kagaya nito. Sinubukan kong magbukas ng bagong blog at magsimula ulit. Kahit na sa tingin ko eh gasgas na ang killer typing skillz ko at bulok na ang mga ideya ko sa utak. Nitong mga nakaraang araw kasi eh napapalaban ako lagi sa inuman kaya siguro nabobobo na ako. Ayan Mart, kaya ka bumabagsak eh, puro ka inom! Pero mas masarap mag-aral kapag lasing ka ah. Tapos susukahan mo 'yung libro mo.

So ayun. Pwede naman nating subukan ulit e. Malay mo gumana na ngayon.

Marthttp://www.blogger.com/profile/13882933538526171865noreply@blogger.com0