Girls, oh, just wanna have fun.


Ginanahan akong pumasok simula nung unti-unti ko nang nakakausap 'yung crush ko rito sa opisina. Dumadalas ang pagkukwentuhan namin sa Y!M kahit na oras ng trabaho at kahit pa marami siyang hinahabol na deadline. Nagkakabatian na rin kami kapag nagkakasalubong kami sa hallway o sa banyo. Umabot na nga sa puntong iniiwasan na naming magkasalubong ang mga landas namin dahil unti-unti na kaming nachichismis. Buntis daw ako. Charot.

Isang beses, nagkasundo kaming lumabas. Friendly date lang. Wala akong pera nung mga panahong 'yun kaya ako na ang nag-insist na magda-download na lang ako ng sangkatutak na horror movies at manood na lang kami maghapon dun sa tinitirhan niya. Paborito niya kasi ang mga creepy movies at pabor rin naman ako run para kung sakaling matakot o magulat siya sa pinapanood namin, bigla niya akong yayakapin. Tapos sexy time na.

Pinagpatuloy lang namin 'yung kung anong shit na ginagawa namin sa araw-araw. Kamustahan, bahagian ng kung anu-anong shit patungkol sa buhay, kultura, problema, mga paboritong pagkain, pelikula, libro, at pati kulay ng underwear. Naikukwento niya rin kung sino sa mga kaopisina namin ang kinaiinisan niya to the point na gusto na niyang ipitin sa elevator kapag nagkaron ng pagkakataon. Sa madaling sabi, dahan-dahan niyang binubuklat ang libro niya sa'kin. Pero ako, hindi ganun. Naging maingat ako.

Napapansin kong unti-unti na siyang nagiging clingy. Nagagalit kapag may iba akong kachat, o kapag mabagal akong magreply. Kung sinu-sino nanaman daw ang kausap kong chix kaya mabagal akong magreply. Gusto ko sana siyang sagutin ng "Pasensya ka na ah. Ganyan talaga kapag gwapo eh." kaso lang, hindi ako gwapo kaya hindi na lang ako sumasagot. Basta, masyado siyang clingy. Kung umasta siya eh parang siya ang may-ari ng etits ko.

Inenjoy ko lang 'yung company niya.

Hanggang sa isang araw, bigla siyang nagchat. Masaya raw siya nung araw na 'yun. Tinanong ko kung bakit pero medyo matagal siya bago sumagot. Siguro kasi medyo busy siya dahil sa mga deadline that day. Pagkatapos ng ilang minuto ay sumagot rin siya. Masaya raw siya dahil nagkabalikan na sila ng jowa niya.

Hindi ko alam kung bakit pagkatapos ng araw na 'yun eh bigla na lang kaming hindi nagpansinan.

Mabuti na lang, hindi ako kumagat.

4 comments:

  1. Ganyan talaga ang mga babae. Rebounders huhuhu with feelllings.

    ReplyDelete
  2. Ang ganda neto. Nag-enjoy ako sa kakabasa. Hehehe. Buti na lang di ka tumalon agad, di ka pala niya sasaluhin. cliche: "Dont worry, marami pang iba diyan".heheh

    PS: Hindi lahat ng babae, rebounders..huhuhu

    ReplyDelete