Best Wishes!

Sabi nga nila, mas epektib daw ang dasal kung iba ang nagdasal nito para sa'yo. Maswerte ka kung may nagdadasal para sa'yo. Pati ba naman pagdarasal eh ipauubaya mo pa sa iba? Katamaran. Pero epektibo nga raw ito sabi ng mga paring nanermon sa'kin, lately.

Sa pagkakatanda ko, madasalin ako nung bata ako. Madasalin ah hindi madulasin. Madasalin! Kwento sa'kin ng lola at ng nanay ko na sobra daw ako kung mag-signofthecross nung musmos pa ko. Sabi kasi nila malalayo ka sa kapahamakan kapag nag-signofthecross ka, alam mo na, katoliko stuffs. Tuwing lalabas ako ng bahay, sighofthecross. Bago sumakay ng pedikab,signofthecross. Bago kumain, signofthecross. Bago pumasok sa iskul, signofthecross. Bago pumasok sa banyo, signofthecross. Bago tumae, signofthecross. Bago maligo, signofthecross. Buti nga eh hindi napasma 'yung kamay ko dati sa kaka-signofthecross. Hindi ko na matandaan kung totoo nga ba na ginagawa ko 'yung mga ganung gawain nung bata ako. Kwento lang naman sa'kin 'yun ng mga mabubuti kong magulang. Malay mo naman, sinasabi lang nila 'yun para maging proud ako sa sarili ko at karirin ko na ang pagpapari.

Nung nasa elementarya ako, natatandaan ko na malakas ang pananampalataya ko, o akala ko lang 'yun?. Pero hindi na ako nagsa-signofthecross nun kasi may mga naka-engkuwentro akong mga Christians na kinuwentuhan ako ng maigi na wala daw sa bible 'yung mga ganun-ganung chorva. Kung tama ang pagkakatanda ko, 'yung araw din na 'yun ang Spiritual birthday ko kung 'yun nga ba 'yung tawag dun. Basta ang mahalaga nun eh nabusog ako sa meryenda nun. Ilang beses pang nangyari 'yun pero sa ibang Christians ko naman naranasan. Parang dumami tuloy 'yung ~*sPiRItuAL biRThDaY*~ ko.

Pagkatapos nung mga pangyayaring 'yun eh sinubukan ko kung eepekto nga ba. Nagpepray ako kapag sa tingin ko eh hindi ko na kaya 'yung exam. Pinapaubaya ko na lang sa prayers 'yung exam ko. Nagtiwala ako na tama ang mga letrang binibilugan ng ballpen ko sa testpaper. Nagulat nga ako kasi parang may sariling buhay 'yung ballpen ko. Nagsasagot siya nang mag-isa. Hindi ko hinahawakan! K. Pero buti na lang pumasa. Pasang-awa. Mula nun eh panay-panay na ang pagpepray ko na agad ko namang ipinagpapasalamat. Kung hindi naman natutupad eh iniisip ko na lang na siguro nga eh hindi pa 'yun 'yung oras o hindi talaga 'yun para sa'kin. Ang lupit ko kasing mag-isip dati. Kaya siguro madali kong natatanggap 'yung kabiguan.

Pero akala ko lang pala 'yun.

Grade 3 ako nun. Summer. Excited na kong magswimming. Kasi nagsabi na sila na magsiswimming kami, blowout daw nung pinsan ng nanay ko na may bortdey. Ayos. Inimagine ko na 'yung mga mangyayari, 'yung mga gagawin kong style ng paglangoy kahit na hindi naman ako marunong ng kahit na isa, 'yung mga buhangin na icoconvert ko sa palasyo, at 'yung mga pinsan ko na makakalaro ko kahit na hindi ko naman sila kaclose. Excited na ko sa lahat.

At dun ko biglang natuklasan 'yung sakit ko. Sakit na kapag naexcite ako at inimagine ko na ang mga mangyayari, lintek na hindi naman matutuloy. At 'yun nga ang nangyari. Hindi natuloy 'yung pinananabikan kong swimming. Dinamdam ko 'yun. Dinamdam ko nang husto. Alam kong magaan 'yung dahilan pero sa edad ko nun, mabigat na 'yun. Hanggang ngayon nga daladala ko parin 'yung ganung sakit kaya hangga't maaari eh ayaw kong naeexcite.

Dun nagsimulang humina 'yung pagkapit ko sa pananampalataya, hanggang ngayon. Hindi ko na matandaan kung kelan 'yung huli kong pasok sa simbahan. Wala na.

Pero sinusubukan ko parin kung may maitutulong nga ba 'yung pagdarasal ng iba. Tangina, ayaw kong bumagsak!

Ipagdasal mo ko?

2 comments:

  1. Buena mano siguro to sa bago mong kweba.

    Kung ang tinutukoy mo ay ang graduation, sige pagdadasal kita. Pagdasal mo din ako na makagraduate na ako sa Mayo. Para kapag nagkatrabaho na tayo, unlimited beer na tayo.

    ReplyDelete
  2. Salamat! Sige, pati ikaw, ipagdarasal ko din. Para makahanap kaagad tayo ng tarbaho at magkaron na tayo ng pera.

    Pera = Beer.

    ReplyDelete