Post, No bill.
Dumarating talaga sa buhay ng asong katulad ko ang mga oras na bigla-bigla na lang tayong makararamdam ng lungkot, ng bigat sa dibdib, at sa balikat. Hindi ko malaman kung ano nga ba ang dahilan ng pag-iinarte kong ganito. Bigla na lang akong mawawalan ng gana sa mga bagay na kanina'y halos kantutin ko na sa sobrang tuwa. Bigla na lang nabubura ang atensyon ko sa lahat-lahat at biglaang mapapatingin na lang ako sa kawalan, na para bang hinahanap ko ang kasagutan sa mga tuyong dahon ng mangga.
Bigla kong maiisip na sa ganitong mga pagkakataon tumatamis ang yosi.
Unti-unting papasok sa papakitid kong isipan ang mga mumunting pagkukulang ko, na habang tumatagal ay dahan-dahan ding lumalaki. Kulang ako sa pera. Kulang ako sa damit. Kulang ako sa laman. Kulang ako sa talino. Kulang ako sa talento. Kulang ako sa kaibigan. Kulang ako sa pagmamahal.
Siguro nga'y masyado lang akong naghahanap. Masyado akong naghahangad at umaasa na ganito ang kalalabasan ng ganyan, at ganun ang kalalabasan ng ganito. Kaya siguro naging matalik na kaibigan ko ang pagkadismaya.
At bigla akong mapapayuko.
Meh.
Eh dahil nga umuulan kanina kaya napilitan na rin akong sumampa dun sa dumaang bus na biyaheng Indang, Trece. Ayoko namang magpabasa dun na parang aktibistang binumbero at pagsilip ko naman mula sa bintana eh mukhang may mauupuan pa kaya nakumbinsi ko ang sarili kong sumakay na.
Tayuan pala ang drama dito. Sabi nung kundoktor makakaupo pa raw. Puta, makakaapak, pwede pa. Pero ayos na 'to, sabi ko sa sarili ko. Mawawala ang antok ko kapag nakatayo. Bukod sa matinding paghawak ko sa mga upuan para 'wag tumalsik kapag biglang pumreno 'yung bus, hindi din ako kumportable sa suot kong sapatos. Basang-basa na kasi ang paa ko. May dala pa kong payong. Puta, hassle.
Maya-maya pa'y parang nahi-hypnotize na ko. Unti-unting bumabagsak 'yung mata ko. At muntik na ring humampas ang mukha ko sa mga sandalan ng upuan. Tsk, kinailangang kong higpitan ang kapit at sampal-sampalin ang sarili ko para magising.
At muntik nanaman akong humampas sa sahig.
Iretableng-iretable na ako dahil bukod sa nararamdaman kong antok at ngalay sa pagtayo eh nakikisabay pa 'tong trapik. Halos trenta minutos nakatengga tapos wala pang isang minuto 'yung pag-usad. Nakakagago pa 'yung libreng panuorin sa bus, pota, nakakaantok.
Wala naman, dito lang naman iikot 'tong kwento na 'to, kung paano ko nilampasan ang hirap na hatid ng pagtiis sa antok mo para lang 'wag kang mauntog sa kung saan-saang kanto, at kung gaano ako natuwa nung nagkaron ng bakanteng upuan at nakatulog na ko sa wakas.
Lumampas ako sa babaan.
Shit
Pagbabalat ng Mangga
Bikini mong itim
Best Wishes!
Boboladasin kita diyan eh.
Kanina, pagkatapos kong kumain ng tanghalian, hindi ko sinasadyang mapanood ‘yung mga old school super old school pinoy movies sa Channel 11. Mahirap lang kasi kami kaya free channels lang ang kaya kong panoorin. Dun sa old school super old school pinoy movie na napanood ko eh may kaunti akong natutunan..
Boladas. Mabulaklak na salita. Pang-uuto. Paraan ng pangungumbinsi. Mabangong pananalita.
So boladas pala ‘yun. Boladas. Ngayon ko lang narinig ‘yung term na ‘yun. Ayos din palang manuod ng mga old school super old school pinoy movies eh. Bukod sa matatawa ka na sa mga pormahan nila at sa mga visual effects nila nung araw, marami ka ding matututunang old school super old school na salitang pinoy. At ‘yung mga beterano at oldies na artista ngayon, chicks pala dati! Grabe lang. Kaso ang liliit ng dibdib nila at ang puputla. Parang wala silang kulay.
Boladas.
Boladas na hindi naglaon ay nawala na ‘yung ‘das’ at naging ‘bola’ na lang. Kaya pala nagtataka ako kung paanong naging ‘bola’ ‘yung pambobola. Asan ‘yung ‘bola’ dun? Siguro kasi binibilog mo lang ‘yung babae kaya nasabing bola. Kasi bilog ang bola.
"And the Champion for the Best Critical Thinker goes to, Mart!"
Ang galling ko talagang gumawa ng konklusyon.
Boladas.
Kung boladas ang totoong term para dun, siguro ‘yung bolero ay boladasero?